Monday, May 21, 2007

BAGONG UMAGA?

TILA NAGBABAGO ang ihip ng hangin sa Bayan sa Silangan.

NAGKAROON NG "milagro ng Bayan" sa Pampanga mismo, ang lalawigang sinasabing `Bailiwick' daw ni gloria. Si Fr. Ed Panlilio, na kilala sa tawag na 'Among Ed'sa kanyang parokya, ay nanalo bilang Gobernador. Ang kanyang panalo, laban sa mga bigwigs sa Pamapanga ay laban sa tinatawag nilang "Quarry King" at 'Jueteng Queen'. Maliban doon, ang kalaban ay may makinarya, ...ibig sabihin, pera at nakasandal sa bato. Alam ng lahat na ang mga natalong kandidato at kinikilalang "malapit" sa nakaupo sa may Pasig. Bilang isang `neophyte' sa politika, nakatulong nang malaki ang mamamayang nagbantay sa bilangan. Naisip ko tuloy, marahil, nagsawa na sa kurakot sa paligid nila ang mga taga Pamapanga.



NATALO RIN si pacman. Alam ng lahat na medyo lumaki ang ulo nitong si manny at pati pagsagot sa mgha tanong sa interviews eh, nakakasuyang pakinggan. Nag-endorso pa siya, ha? Halos lahat naman ng inindorso ni manny, talo rin. Natatawa akong mabasa ang isang text na ipinadala ng aking kamag-anak galing sa Maynila.



NATALO HALOS ang mga artistang kandidato, maliban sa iilan. Natpos na rin ang "maningning" na presensiya ng mga artista lalo na sa Senado. Halos wala nman kasing ginagawa ang mga ito...kaya nawalan na rin ng pasensiya ang mga tao.

KASAMA SA mga natalo ay sina Lito Lapid, bilang alkalde ng Makati. Ang lakas kasi ng loob kalabanin si Mayor Jejomar Binay. Talo sa lahat ng puwesto ang inilagay ng grupo ni gloria! OK!

MARAMI RIN ang nanghihinayang sa mga nawalang boto para kay ALAN PETER CAYETANO. Talagang halatang may nagmamanipula sa mga numero. May nasagasaang malaking isda ang Mambabatas kaya ganun. Halos sa lahat ng anggulo, may gulong hinahain para mapigilan ang pag-upo ni Alan sa Senado.

SA MINDANAO naman....marami pa ring milagro. Isipin na lang na si Chavit na taga Ilocos eh NUMBER 0NE sa Mindanao? Nasapawan pa niya sina Kiram, Pichay at Zubiri? Unbeliabol! Isang maling taktika na ginawa ng kung sinuman ang gumawa noon.

OO AT tila nagbago na ang isipan ng ating mga Kababayan sa pagboto. SALUDO po ako sa ating mga Filipino. Mapagtiis, nguni' kapag nagalit, tapos na ang maliligayang araw ng mga diktador.

NGUNI'T ANG SISTEMA ng pagboto sa ating Bansa ay dapat nang mapalitan. Gayundin ang mga nasa COMELEC na pinangungunahan ng isang taong wala ni katiting na kredibilidad. Gaya ng nag-appoint sa kanya, dapat na ring umalis si abalos bilang Chairman ng COMELEC. Halata ka na, Tatang, kaya 'ALIS D'YAN!'

MARUMI ANG politika. Kasabay nito ay panloloko sa Taumbayan. Harinawang mapalitan na ang mga bulok na politico at bulok na sistema.

1 comment:

All Blog Spots said...

great blog, keep the good work going :)