Monday, May 07, 2007

PULSO NG BAYAN

Naglibot ako sa mga Botante rito.
Sumilip din ako sa mga blog sa internet.
Kung baga, nakikibalita, nakikipagtalakayan
tungkol sa nais ng ating Kababayan.

Napagtanto ko, sukang-suka na sila.
Ganun din naman ang aking abang isipan.
Ayaw ko sa masama, ayoko ng kurakot!
Dapat alisin na, kalakarang TRA-PO!

Sari-sari ang bumubuo, iba-ibang kulay:
May sinungaling, may bugot,mayroong nangangako.
Maraming asawa, may kabit ang iba!
Kawawang pamilya, Bayan din nagmumura!

Sa gitna ng lahat mayroon ding matino:
Makabayang tunay, pagkatao'y sinasanto.
Ito ang piliin nang maahon na tayo
Sa kahirapang buhat sa korapsyong arroyo.

Pulso ko, Pulso Mo, alin nga ba rito?
Piliin na natin Kandidatong hindi loko.
Isiping mabuti bago isulat:
Pangalang may tatak iwasang ilapat.

May sabit, may sukbit, may starlet na bitbit!
Alisin, iwasan, pagka't ito'y kurakot lamang.
Tingnan ang malaya, matino at masinop
Sapagka't kasabay nito'y Takot sa May Lalang.


Mga Kababayan, eto na ang pangalan
Baka sakaling maisama sa inyong listahan:
Bagama't wala ako sa Bayang Sinilangan,
Puso ko'y nasa Pilipinas, Bayan Kong Mahal.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


LISTAHAN KO*

1. AQUINO, Benigno III
2. BAUTISTA, Martin
3. CAYETANO, Peter Alan
4. ESCUDERO, Francis
5. LACSON, Panfilo
6. LEGARDA, Loren
7. PAREDES, Zosimo II
8. PIMENTEL, Aquilino III
9. ROCO, Sonia
10.SISON, Adrian
11.TRILLANES, Antonio IV
12.VILLAR, Manuel


~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^
PartyLIST:

Napakarami kasi, kaya iisipin ko pa.
Pero narito po ang aking mga nasa listahan:

Akbayan
Gabriela
PEP Coalition
Akapin
A Teacher

~~~~~~~~~

GO and VOTE!
PARA SA BAYAN!

No comments: