Saturday, May 05, 2007

BALITANG PINAS

Samu't sari ang balita sa internet at sa major dailies sa Inang Bayan.
Nakakatawa ang iba, nakakalunos naman ang karamihan at ang iba ay naghahatid ng desperasyon ng alagad ni gloria tungkol sa nalalapit na halalan.


NAKAKATAWA:
Ito yung reklamo ni Manuel Pacquiao. Sabi ng kampo ni pacman 20Milyong piso daw ang halaga sa pagpatay sa kanya na iniutos diumano ng kalaban niya na si incumbent Rep. Darlene Custodio. HU=DAS he think he is, anyway? Akala yata niya malakas na siya sa GenSan. Kapalan lang yan, di ba, manny?

Hindi ko alam kung anong klase nga itong takbo ng utak ng boksingero. Kaya raw siya tatakbo sa GenSan, eh nangako itong si glue na ibibigay sa kanya ang bawa't hilingin niya para sa kanyang bayan. Hindi ba alam ni manny kung ano ang salitang pangako para kay glue? Alam ng lahat na walang isang salita itong si glue. Pangako'y laging napapako! Isa pa, hindi ba alam ni manny na ang lehislatura eh iba at hiwalay sa ehekutibo? Anak ng pating na nagkaduling-duling! Puwede ba, manny, mag-aral ka muna!
O kaya naman, mag-boksing ka na lang! Tutal, doon ka magaling. Sabi nga: Enhance your asset, cover your liabilities. Kung bibe ka, lumangoy ka na lang! Kung ibon ka, lumipad ka!


NAKAKATAKOT: Mga patayan, barilan at kidnapan naman.Walang alam ang mga kamag-anak sa pagkawala ni JayJay Burgos.Taga-Bulacan daw itong batang Burgos. Ganundin ang barilan sa kampo ni Villanueva sa Bulacan.

Ganun na pala kagulo sa Bulacan? Akala ko pa naman, dahil sa malapit ito sa Kamynilaan, eh walang ganyang mangyayari.

OO at alam ng lahat na magulo sa Masbate, dahil sa mga hired goons ng mga politico doon. Ranchero style baga. Halos lahat, may dalang baril. Kaya marami raw NPA doon!
Ganundin naman sa bandang Norte. Kadaming mga hustlers...lalo na yung may mga sabit!

2 comments:

mschumey07 said...

Sa dami ng bodyguards at baril niyang si Pakyaw, natatatakot pa. Kung sa bagay, sa DNA test lang ay takot na yan, sa mayumi at mahinhing babae pa kaya?

Cory said...

Takot ba sa babae? I doubt it!

Paano na yung naanakan nya, tas, ikinaila pa?

Dun pa lang, may pangitain na na walang kwentang gago itong si pakyaw. Pati GenSan, gustong pakyawin!