Saturday, May 12, 2007

PEKE

BABAHA AT UULAN
sa buong Bansa.

Ito ay hindi dahil sa tag-ulan na,
kundi bahagi at pakana ng mga desperado
sa rehimeng pidal.

BABAHA at UULAN ng PERA!
....yung nga lang, PEKE,
gaya ng pekeng presidente sa pekeng gobyerno
ng mag-asawang pidal at alipores.

00, peke ang pera!
Tig-limangdaang piso raw na pambayad sa mga botante!
Karamihan daw ay kahon-kahon ang dinala sa Kabisayaan
at sa Bandang Mindanao. Alam nila na hindi sila makakalusot
sa Kamaynilaan.

Bakit kailangang bumili ng boto?

Kasi alam nila na kung walang padulas,
tiyak na nag pagkatalo ng kanilang mga kandidato.

Umulan na rin daw ng pera noong 2004 Presidential Elections sa Cebu.
Di maikakaila na napakalaki {daw!} ng lamang ng boto ni gloria kay FPJ
sa lugar na ito. Ito ay ayon kay Osmena na siyang Campaign Manager ng
Genuine Opposition.

Isang tanong: SINO ang may kayang gumawa ng ganitong kabalbalan?
Isang Sagot: May duda pa ba diyan? Eh di yung CHEAT of ALL CHEATS!

sanabacheat!

No comments: