Thursday, May 10, 2007

POLITIK : PUTEK!

IBA TALAGA ang politika sa Inang Bayan.
Sandamakmak ang tumatakbo sa iba't ibang puwesto.

May pilay, may bungi, at meron ding duling.
Merong may kaya, meron ding waldas.
May mga pala, merong barko ang ka-sangga.
May matinik, may mashin-gan, at may maayos din naman.


MERONG HARI:
Hari ng boksing, Hari ng magnanakaw;
Hari ng jueteng, Hari ng Kidnap-for-Ransom;
Hari ng mga Disparecidos,Hari ng Carnapping!
Hari ng Goons, Hari ng Maton...
Hari ng Shabu, Hari ng Kotong!
En dont porget, meron ding Hari ng Bank Robbery!

Hey! Hey! Hey!


KUNG MAY Hari,
syempre, mawawala ba naman ang REYNA?

REYNA ng sinungaling, Reyna ng daya;
Reyna ng pangako, Reyna ng daldal;
Reyna ng ispreketek, Reyna ng Tsismis.
At huwag kalimutan, meron ding Reyna ng Jueteng!

Anak ng Pating!

Sari-sari, iba-iba
Diskarte dito, pangako doon.
May kumikindat, merong umiindak.
May umaawit, merong nagno-noted!

Whachamakulet!


BASTA ANG alam ko, kailangang bumoto,
Pumili nang tama, gamitin ang noo.
Hwag hayaang madaya, maloko na naman
Bantayan mabuti Yaring ating Bayan!

No comments: