Friday, June 27, 2008

HAHABOL-HABOL!



Anak ng pating talaga itong si aling glueria!
Ayaw na ngang kausapin, hahabol-habol pa!
Wala ka namang delikadesang punggok ka!
Di na naawa, mahiya man lang sana!


Kung ako ang nasa puwesto ng babaeng mang-aagaw,
Unang-una na'y di ko pipilitin ang ayaw sa akin.
Bakit nga ba't parang tila uhaw na uhaw?
Ang babaeng ito sa media, photo-ops at pasyal?


Totoo kaya ang siyete ni Kumare?
Na may hinakot na ang mag-asawang mata pobre?
May pera na`y may villa pa kuno
Sa Espanya ng Donya ang mag-asawang hangal!


Tumigil nga kayo, mga walang hiyang dorobo,
Baka pati anak n`yo'y may hakot na bandehado
`Di ako magtataka kung meron pati si luki {ekkk! luli pala!}
Naisantabing kuha sa kahon ni Juan Tamban.


Ang babaing baliw, sabi nila`y may sakit:
Sakit na epal takaw-pansin ang dating.
Kay hirap mabuhay sa piling ni midyet {`kala mo, s`yet, anoh?}
Kaya pati si epdyi naghanap na rin!!

Nya-haha!!!


Hay! buhe!