Saturday, May 05, 2007

DESPERADO

1. DESPERADO na nga ba si hoNASAN ? Aba'y nakipagkita ang balitang fugitive ng mga coup d`etat sa panahon ni dating President Cory kay glue sa Malacanang. Anong dahilan ng isang hinuli ng kapulisan na makipagkita sa pretender? Para ano? My goodness naman, oo. Ginagawa pang tanga ang lahat ng taumbayan!

ISA PA, wala namng nagawa sa Senado itong si hoNASAN nung nasa mataas na kapulungan siya, db? Tagamasid...taga-tanggap ng pork barrel, taga-plano ng kalokohan! I will never vote for any man/woman who do not do his work well! Sayang ang boto kapag ito ang pinili ninyo!

2. DESPERADO na nga ba ang rehimeng arroyo at sinuspinde ang Alkalde ng Makati na si JEJOMAR BINAY? "Wrong timing!" sabi ni joker....ta[N]ga administraston TUTA yan, ha? Ganun din ang sinabi ni pitchay [kahit na ayokong itanim siya sa senado]. TUTA rin yan! Sabagay, OK naman kay Mayor Binay kasi nga, Pinoys Love the Underdog...NOT the DOG!

I always think that Binay has the upperhand in everything as far as Makati and its constituents are concerned. No comparison kay lito lapid, isang capampangan at isang tagamasid sa Senado. Tagamasid, [buti nga, hindi tangamasid...nakatanga lang, na nakatingin!] kasi wala namang nagawa ang "senador" na ito sa kanyang 3 taon sa senado. Chairman nga siya ng Silent Committee sa Senado eh.

I hope and pray that MAYOR JEJOMAR BINAY WIN and win big...para ma-supla naman ang kahangalan ng nasa maling upuan sa may Pasig.

3. DESPERADO na nga ang rehimeng ito ni arroyo. Kahit anong paraan gagawin, mapanatili lamang ang kanilang clout o lakas sa Kongreso. Aba'y biglang nagkaroon ng mga kabuti sa PartyList Groups! Nandun ang grupo ni palparan....at iba pang kahina-hinala ang mga pinanggalingan! Mabuting i-check muna sa B & W Movement List sa http://blacknwhite-movement.com/alpha/index.php para sa kumpletong listahan. Mahirap nang magoyo na naman ng mga peke. Naglipana ang mga peke sa buong Bansa!

Mga Kababayan:

BUMOTO nang TAMA.

BUMOTO nanag MAAYOS!

GO and VOTE!

PARA SA INANG BAYAN!


2 comments:

mschumey07 said...

Ang tawag diyan, traydor. Iniwan niya sa ere ang mga Magdalo.

Cory said...

Pag ganyan ang lider, buti pa tadtarin na nang pinung^pino nang hindi na pamarisan!