Tuesday, July 24, 2007

SANA.....hindi SONA!





SANA....hindi SONA!

Yan ang sinasabi ng Kababayang naaapi na' nagugutom pa!
Samantalang si gloria suot ay pula, ang taba'y kitang-kita;
Si Juan-de-la-Cruz nama'y tuyot at tiyan ay kumakalam
Sikmura'y nagtatambling dahil ito'y walang laman!

SANA....hindi SONA!

Dahil pare-pareho naman ang binabandera
ng sinungaling sa may Pasig! Mata'y nanlilisik
Baka maagawan ng puwestong ninakaw...
Kay erap na kinasuhan kahit na ito'y gawa-gawa lamang.

SANA....hindi SONA!

Sangkaterbang pera, ginastos na naman
Sa walang kakuwenta-kuwentang speech na pulos banta lamang;
Sankatutak ang escort, bantay sa kanya lamang...
Kung bakit takot, pakitanong kay Mang Teban.

SANA....hindi SONA!

Puro palpak din naman, trabaho marami raw...
Bakit kung ganun, sa libu-libong nag-aplayan,
Ni isa walang nakuha, wala na ring pamasahe
pagka't ito'y nagtaasan!

SANA...hindi SONA!

Hindi na kailangan sinungaling sa Bayan
Nais nami'y matino't mapagkakatiwalaan;
Hindi sinungaling, salita'y walang katotohanan,
Pagkatao man, tiyak: hindi pagdududahan.

SANA....hindi SONA!

SANA mabuking ka na!
Mahuli at maparusahan...
Malaman ng Bayan ang tunay mong kulay,
Matigil na ang iyong kagagawan!

Sana nga....

Pero sa totoo lang,

gutom pa rin ang karamihan sa mga Pinoy!

Sana nga, puwedeng kainin ang SONA na parang biskwit,

nang maibsan kahit sumandali ang kalam ng sikmura

at uhaw sa katarungan ng Taumbayan.

Sana nga.....

SANA!


~~~~****~~~~

*Nakuha ng Karikatura na galing sa
Daily Tribune Editorial Cartoon 07-24-2007
ang tunay na pananaw ng Bayan,
kasama na po ang sa inyong lingkod!

3 comments:

mschumey07 said...

I'm ok, sis. Ayos tong last entry mo. Swak na swak!

Cory said...

swak ba?
ang sarap sanang i-swat ng kagaya ng pamatay ng flies ang bawa't kasinungalingan!

Anonymous said...

wow... ganda (^^)...
sana nga...