Sunday, August 06, 2006

SUPER=DUPER MAID

Onli in da Pilipins!

Meyd prom da Pilipins!
This is the very idea of ate glue
who announced her "Super" Project after her SONA.
Super? as in superman?
Bakit?
Para MAKALIPAD gaya ni Superman,
nang hindi na maghagilap ang alipores ni gng. pidal
ng pera para sa paglikas ng ating mga Kababayan doon.
Nabubuking tuloy sila na ginastos nila ang
pera ng OWWA.
Remember the Fertilizer scam?
Ganun din ang labas ng pera ng mga OFWs.
May nandukot!
Sinasabi na mayroong 34, 000 OFWs na Pinoy doon.
At sa awa naman ng Maykapal,
halos 2,000ng mahigit lamang ang nailikas NA
hanggang sa kasalukuyan.
Super maid?
Naman, naman!
Wala na ba silang maisip kundi pagiging domestik?
Aba'y ang tingin sa ating mga Pinoy eh, pangkatulong na lang.
Naalala ko tuloy yung isang taga-HK na nakilala ko.
Nang nalamang Pinoy ako, sabi ba naman'y:
"My brother has a Filipina maid..."
Asar!
Sabi ko na lang
na nagsisikap kasi eh....
Pero the sarcasm didn't escape me.
Hanoba?
Pang-meyd na lang ba ang Pinoy?
Wala na bang alternatibong magawa ang
pamamalakad ni glue at ng kanyang
altar boys para maibsan ang exodus ng Pinoy?
Ipakita kaya ni glue ang pagiging isang super maid?
Mauna kaya siya?
Harinawang mapunta siya sa isang malupit na amo
at nang matikman niya ang
sinapit ng ating mga Kababayang
pinagmalupitan sa ibang Bansa.
Better still, kapag naparusahan na si glue ng plunder
at iba pa,
sana lang....
SANA LANG....
wish ko lang....
ang parusa sa kanya eh
maging SUPER MEYD siya ng Bayan:
TAGALINIS ng mga parke, toilets, preso.
at ng mga estero
[basta yung mga sobrang duming lugar....]
=
HABANG BUHAY.
~~~~
~~
~

No comments: