Wednesday, July 05, 2006

NAKAKATAKOT!

Nakakatakot talaga itong aksyon ng North Korea....
Aba'y kaninang umaga,
anim na ang ni-launch na missiles
ng Bansang ito.
Lahat ay bumagsak sa
Sea of Japan, ilang daang kilometro
lamang ang layo sa Bansang Hapon.
Ang isa rito ay TAEPODONG2
na sinasabing may kakayahang
makarating hanggang Amerika.
Nagpalabas pa ng pampitong
missile ang mga NoKor
ilang minuto nakalipas ang tanghali.
Bumagsak din ito sa Sea of Japan.
Ano ba ito?
Show of force ng NoKor laban sa Amerika
at sa mga Bansang kaalyado nito?
Ang nakakatakot, eh,
malapit ang tirahan ko sa
isang Air Force Base ng Japan sa Hamamatsu,
Shizuoka-ken.
Bale, ilang kilometro lamang ang layo.
OO nga at kami ay nasa kabilang ibayo:
----nakaharap kami sa Pacific Ocean----
ngunit nakakakaba rin, hindi ba?
Aba'y kung saka-sakali, [hwag namang ipahintulot ng Panginoon!]
eh, damay ang lahat, lalo na ang mga nasa
aktibong puwersa ng Sandatahang Lakas ng Japan.
Napakawalanghiya nitong
si Kim Jong il:
hindi naman kapaki-pakinabang ang
kanyang rehimen sa kanilang Bansa,
bagkus, diktaduryang walang inisip
kundi magpahirap ng Koreano
at mga Hapon.
Napakarami ng dinukot ng Koreano,
lalo na noong rehimen ng ama nitong
kasalukuyang diktador.
Maraming Hapon at Koreano
ang dinukot at sapilitang pinagturo ng
NoKor para sa kanilang programa sa espionage.

2 comments:

Anonymous said...

slt ma cherie comment sava passe de tres bonne vacance a+

Anonymous said...

coucou c mwa ta cous je pense a twa je suis presser de te voir