Monday, July 17, 2006

HUDAS tell such lies?

Ang dami nang lumabas na balita tungkol
sa pagkaka-detain sa LA ni "Joc-joc Bolante,
ang kaibigan ng Fatsong bluebird na asawa ni gng. glue pidal.
Pero ang nakakatawa eh yung sinabi ni
Asuque na "kaya hindi agad na-i-relay ang balita
tungkol sa pagkakahuli ni Bolante eh, sa dahil nangyari yun
nang weekend at walng staff sa Embahada."
Lumalabas kasi na nagkaroon ng ilang araw
na gap bago nalaman ng Bayan na
nahuli na pala itong si Bolante.
Pinabulaanan naman ng UNIFFORS,
siang asosasyon ng mga nagtratrabaho sa DFA
na meron silang skeleton staff kapag weekends and holidays....
Ngayon, sino ang paniniwalaan ko?
Aba'y higit na nakakaangat naman ang UNIFFORS
sapagkat wala silang takot na pabulaanan ang sinabi ni Asuque.
May gudness naman yu!
HUDAS tell a lie must
go down as soon as possible!
Da pipol is getting angry na, noh!
Karate Chop

Alis D'Yan!



~~~

No comments: