Wednesday, July 19, 2006

ANG BAGAL!

Ang bagal ng kilos ng mga nakaupo sa
krisis na hinaharap sa Lebanon.
Sabihin ba namang eto at "....nasa Level alert # 3 na ...
...waiting for reprots from our Embassy people..." et cetera...
et cetera....
Napakababaw na dahilan.
Talaga lamang wala kayong nakahandang
Plano para sa paglikas ng ating mga OFWs na nasa
war zone.
Sarili ngang Kababayan eh hindi magawang
ilikas, tapos, aakuin pa ang pagtulong sa mga Thais na
lumikas.
May pera sa paglakwatsa,
ngunit sa mga ganitong panahon, tila
mabagal ang pagkilos.
SA NGAYON,
tila kabi-kabila ang problema ni gloria.
Pati nga ang Bulkang Mayon,
nag-aalburuto na!

No comments: