Seems to me, halos lahat na lang yata ng mga nasa gobyerno [pasintabi po, kung meron pang natitirang malilinis d'yan!] eh 'kumita, mangotong, mangurakot, mag-number-padding, mandaya, mangupit, mandanbong at kung anu-ano pang katarantaduhan basta lang makaisa sa anumang transaksyon sa gobyerno!
NATIONAL PASTIME na yata ito ng mga opisyales na sumumpang gagawin ang lahat para magsilbi sa taumbayan. Nawala na talaga yung true essence ng salitang PUBLIC SERVICE o ng katungkulan bilang PUBLIC SERVANT!
Pulos na lang mga Anak ng Buwaya!
Wala na ba sa diksyunaryo n'yo ang salitang matino, masinop, mapagkakatiwalaan, matapat, at kung anu-ano pang magagandang ugali na turo noong araw?
Wala na ba?
No comments:
Post a Comment