Thursday, September 13, 2007

IKAW ANG KASUNOD!

O sige na nga,
tapos na ang pagmanipula sa hatol kay Erap,
pero, kwidaw, meron pang appeal yan.

Pagtuunan naman natin itong si goyang.
Akala yata niya, makakalusot siya.
Astig pa ng smirk nya, gusto pang umepal.




Humanda ka na lola, at kasunod ka na.
Mawawala ang pagka-isnabera mo sa selda!



Sa dinami-dami ng mga naglalabasang baho
galing sa saya ni goyang,
hindi na yata mabilang ng paa at kamay ko,
teka at manghihiram muna
ako kay Mang garci at kay Mang bedol,
pagka't magaling itong magbuhol-buhol!
Isama mo pa si chavit na type sumabit
sa kahit anong bandwagon, pakana o kotong.

Humanda ka, manang, at ikaw na ang susunod!

Aabangan ko talaga yan
saan man pumaroon!








2 comments:

mschumey07 said...

Coming soon na ang pandak na yan. Konting panahon na lang at siya na ang susunod. Naniniwala ako sa karma.

Cory said...

San nga. Yan lagi ang dasal ko:
Mawala na ang diyablo sa Bayan Nating Mahal!