Tuesday, April 03, 2007

HOSTAGED

ALAM ng lahat na si ducat ay nang-HOSTAGE nung isang Linggo
ng isang bus na may lamang 32 kabataan......
[yung ibang news account 26 lang daw! Ano ngaba?!Pati
sinabing numero, mali-mali na!]
at 2 guro sa isang Day Care Center na si ducat mismo ang
may-ari.

Palabas man yun 0 pampa-PO-GI points ng mga buwaya,
naisip ko lang...

Ang TAUMBAYAN eh matagal nang naka-hostage sa kamay ng
mapanlinlang na MGA mandurugas.

Kasangga niya ang militar sa kayang maitim na balak.
Hayun at naka-deploy na naman sa Kamynilaan ang mga
troops na may dalang baril. Lisensiya nila ang pumatay,
laban sa mga rebelde at komunista raw

Kapag ang isang tao/mamamayan eh nagsalita nang salungat sa sinasabi
at dinedeklara ng Malacanang, siya ay babansagang Komunista!

Nakakatawa!

Nakakatawa ang mga kilos at salita nitong mandarayang sinungaling na ito.
Tuloy, hindi pa man nagsasalita, eh ayoko na siyang pakinggan!
Nakakasuyang pagmasdan ang kanyang mga appearances sa TV.
Para bang halos lahat na lang eh...put-up at arte na lang
para sa mata ng publiko.

Hanggang kailan tayo iho-hostage ng mag-asawang escandaloso
ay nasa sa Smabayanang Pilipino nakasalalay.
TAYO ang hawak ng ating kapalaran.
Tayo rin ang maghuhusga sa kasalanan ng
mga ibinoto ng Sambayanan.

Dasal ko na lang, sana, eh magwakas na ang lagim
na ihinasik ni gloria at ng kanyang kampon.
Harinawang magsisi na at ibalik sa Kaban
ang mga nakaw na Salapi ng Bayan!

Malapit na.

Sa Eleksyon:
Boto ay bantayan.
Iboto ang may malinis na pangalan.
Iboto ang matino at may pagmamahal sa Bayan.
Bantayan ang ating karapatan.
Huwag hayaang ma-garci na naman!

HUWAG NANG MAGPA-HOSTAGE!!!!
LABANAN ang kasamaan!


GO!

GO out and VOTE!

GO!

3 comments:

mschumey07 said...

Let's GO! Sila naman ang i-hostage natin. Ang kanyang mga heneral ang ilaban sa mga rebelde para naman maranasan nila ang hirap ng mga ordinaryong sundalo. Ang kanyang gabinete ang ibayad natin sa mga inutang ni pandak.

Cory said...

Maganda ngasanang ipambayad ang mga buwaya...
kaya lang, may tatanggap ba naman sa kanila, knowing their calibre and the kind of ignominy they are capable of?

Sinusuka na ng Bayan natin, I am sure....isinusuka na rin ng Buong Mundo...dahil alam na pati ng UN ang kanilang mga pakana.

Cory said...

Right on!

Let's GO, man!