Hee-Haw!
T2 posted this in Ellen's blog.
I find it true and ....
no doubt, exactly fits the present situation.
Read on....
Tignan ninyo ang pagkakapareho ng nakasulat sa Bibliya sa tunay na kaganapan ngayon,
mahigit dalawanglibong taon ang nakaraan ngunit tila kailan lang naitala.
Ang huling linggo ng Lent at nagsimula ng Domingo de Ramos at nagtatapos ng Sabado de Gloria.
Mula sa makapasok ni Kristo sa Jerusalem sakay ng humenta (mule)
at salubungin siya ng mga taong may dalang Ramos (palm leaves)
hanggang sa araw ng Sabado de Gloria, ang araw ng kawalan ng pag-asa,
paghihintay, pagkatakot, at pagdadalamhati,
lahat ng mga araw na iyon ay puno ng pighati, pagtataksil, kaguluhan at kasamaan.
May pagkaka-pareho pa ng mga pangalan ng ating mga pinuno.
Ang pitong araw ng Lent ba ay katulad ng pitong taong paghihirap ng ating bansa?
Sa Bibliya ay palaspas ang iwinagayway, sa EDSA, mga banner.
Bida ang mga taumbayan, naipagwagi raw nung araw na iyon ang pagpasok ng kabutihan.
Hossana, sigaw pa. Nagbunyi ang lahat. Pero hindi pa nagtatagal,
nagsimula nang sirain ng mga Escribas at Fariseos ang diwa nito,
natakot sila na ang kapangyarihan nila ay mawala dahil nakita na ang tunay na pinagmulan ng kapangyarihan,
baka mawala sa kamay ng iilang nakikinabang. Ang mga sumunod na araw ay nauwi sa panggigipit,
pang-aabuso, pagkulong, pagpapahirap hanggang sa tuluyang pagpatay.
Nandito na nga tayo ngayon sa Sabado de Gloria.
Magandang pangitain iyan dahil pagkatapos ng Sabado de Gloria, sigurado ang muling pagkabuhay.
Muling babangon sa pinagkasadlakan upang tuparin ang misyon sa lupa.
Ang pagbabalik sa kaayusan, kalayaan at tunay na kasaganaan.
Sa Pasko ng Pagkabuhay ay bagong pag-asa ang naghihintay para sa lahat.
Lalo na sa ating mga Pilipino. Isang aral din ang iniwan sa atin ng pasyon at buhay ng Tagapagligtas:
Hindi kayang pahirapan, saktan, patayin at pagkatapos ay ilibing ninuman ang katotohanan,
ang kabutihan, ang diwa tunay na makapangyarihan.
Ito’y babangong magmuli upang wakasan ang kasamaang pilit naghahari-harian
at ibalik ang tamang daan para sa matagumpay na paglalakbay.
Happy Easter to all.
Need I say more?
As for me,
I LOOK FORWARD TO THE EASTERs OF OUR LIVES!
Happy Easter, one and all!
No comments:
Post a Comment