Monday, June 11, 2007

BALIMBINGAN BLUES

SABI ng COMELEC, sa loob ng sampung araw, magagawa nilang iproklama ang lahat ng mga nagwaging kandidato, pero hanggang ngayon, halos mag-iisang buwan na......
nakabitin pa rin ang 2 kandidato ng GO.
Humahabol nga ba si Pichay, eh halata namang sadyang nalanta na ito?

AT any rate, eto na at naiproklama na nga ang 6 na GO candidates.
Pero ano itong mga bali-balitang may taga-GO slate na
"nakipag-usap" sa Malacanang? Ano ito, Pact^with-the^Devil?

UNA, hula-hula lamang, pero itong nakalipas na Linggo, maugong na ang
balitang merong nanalong kandidato ng GO na nakikipag-ugnayan kuno
at " singing sweet music" with the devil...

Ahahay!

ETO pa ang matindi: isa sa mga TOP THREE ang kandidatong ito.

Uh-hummmm...

HINDI kaya si Ping Lacson? Pero, mortal na kaaway ito ni fg.
Eh sa dalawang naiwan: Loren Legarda at Chiz Escudero.
Sino ba sa inyo?

MUKHANG hindi pa man nagsisimula ang Sesyon, meron nang niluluto
sa ating likuran ang magagaling nating mga Mambabatas.
Meron nang naga-AHAS at meron nang BALIMBING!

Anak ng Pating!

HINDI pa man nakakaupo sa Senado, mukhang may niluluto na sila para sa 2010!

SANA lang, huwag naman nilang ipagkanulo ang TIWALA ng Taumbayan.
Ibinoto namin kayo para panindigan ang aming kapakanan.

ANG pagboto ko, gaya ng milyon-milyong Filipino ay para ipamukha
sa nasa may Pasig na ayaw namin sa kanilang pamamahala.
Makikita ang sentimyento ng Taumbayan sa pagboto kina
Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes.

ALAM ng Bayan na kalabang mortal nina gloria at kanyang bubuwit ang 2 ito,
kaya naman bilang pagsuway sa samo ng administrasyon,
pinili ng mga Tao ang mga alam nilang may lakas ng loob at
kayang sumagupa sa pekeng nakaluklok sa Malacanang.

KUNG kayo eh magba-BALIMBINGan lang diyan, alalahanin ninyo na
marunong na ring magtanda ang mga tao. Sawang-sawa na kami
sa mga palabas ninyo, kaya puwede ba,.....
ayusin naman ninyo ang pamumuno?

SANA nama'y matauhan na kayo sa mga Balimbing na kumandidato.
Nakita na ninyo kung paano itinuring ng mga tao sina
sotto at si oreta dahil sa Balimbingan na yan.
Matuto nawa kayo.


ISANTABI muna ang pansariling agenda.
Tunghayan at ayusin muna ang agenda para sa Taumbayan.
Yun ang kailangan at dapat tutukan.

4 comments:

eagle wild said...

Balimbingan na ba? Siempre naman para mapalapit sa kusina. Ginutom sila dahil pinamigay ang tinapay sa taumbayan, kaya babawi sila ngayon at kailangan malapit sa kusina. Mahirap magkaroon ng konsensiya ang gutom na balimbing.

Cory said...

Tawag dun, alilang kanin! Mabusog lang ang tiyan, quesehodang mawalan ng prinsipyo.LAHAT ng mga nasa puwersto ganun. LAHAT!

Teka, Kapatid....ang galing pa rin ng Tagalog mo, kahit ilang dekada ka nang wala sa Inang Bayan!
Bilib ako!...

eagle wild said...

Di ba si Rizal ang me sabi na ang di marunong magmahal sa sarling wika ay masahol pa sa malansang isda? Kaya lang ayokong gayahin si Rizal na hahantong sa bagumbayan. Gusto ko si Bonifacio sa Balintawak.

Cory said...

Susugod ka rin?

Halika, samahan na kita...

Sugod!