Saturday, June 16, 2007

ISKANDALO!

SAMU'T-SARI ang mga iskandalong nakita, narinig at nalaman natin
sa mga nagdaang panahon. Kung baga, iba-ibang klase:
may malaki at may maliit lamang. Meron din namang kung tutuusin,
eh walang kinalaman sa kaninuman.

KAHIT saang sulok sa mundo, lasa ko, merong iskandalong nagaganap,
lalo na at artista ka..... mga "celeb" kung tawagin.

KAPUNA-PUNA kamakailan ang iskandalo ng mga nasa politika at
sa industriya ng pinilakang tabing. Mga artista kung tawagin.
Minsan nakakainis, nakakaloka at nakakasuya na rin.
Yung iba naman, ayaw manahimik at kapag napuna,
labasang lalamunan sa katitili at maghahamong idedemanda
kung hindi tumigil.

KAMAKAILAN, umugong ang balitang Ruffa-Ylmaz scandal.
Iyak nang iyak si Ruffa, kasama na ang inang si Annabelle
na nagbitiw ng sangkaterbang salita. Natural, laman sila
sa lahat ng klase ng Showbiz Balita.

NANDOONG sumagot si Ylmaz at nasangkot pa ang kolumnistang si DollyAnn
tungkol sa lumabas na scoop sa kolum nito na nagsasaad na may asawa na
si Ruffa bago pa man dumating si Ylmaz. IKINAGALIT yun ni Ruffa.
Huwag na raw "makisawsaw" si DollyAnn, sabi naman ng ina.

AYAW mo mang pansinin, tiyak na mababasa mo ang balita,
lalo na at sa iNet ka lang umaasa. Halos lahat na yata
ng iNet News, mukha at salita nila ang nakabalandra.
Naglabasan ang kanilang mga baho at naglaba ng kanilang mga
sinukahang damit sa harap ng publiko. Ang telebisyon ay
punung-puno ng kanilang balita.
Minsan isip ko, hindi ba sila napapagod?
Nakakasuya nang makita at mabasa.


IDAGDAG mo pa ang ugong na ginawa ng kisscandal naman nina Gretchen B. at ni John Estrada, ang dating asawa ni Janice de Belen.
Nakita ko ang litrato na nakakalat sa iNet. At sa malas ko,
mukha namang hindi pinilit si Gretchen na magpahalik!
Ibig sabihin, willing accomplice siya sa halikan blues na yun.
Ngayon, marami ang nagagalit dahil sa pagkalat ng nasabing litrato.

LUMABAS ang mga kakampi at nagsabi na "wala namang masama" ..."walang malisya" atbp.


GAANO katotoo ang kanilang mga binitawang salita?
Nadoon ba tayo para masabing ito ang tama, at siya ang mali?
Nakakarindi na talaga. Hindi mo malaman kung agaw-eksena lang
ang mga yan para mapag-usapan! Hot item nga naman kapag may "news,
good or bad.

ANG sa akin lang, kung ayaw ninyong maurirat ang buhay ninyo,
manahimik kayo. Type ninyong maging celebrity/public figure....
humanda kayo na mabuklat ang buhay ninyo. Ganun ka-simple lang yun.

KALABAS-labasan niyan, baka magsampa pa ang mga yan ng "Libel"
eh gayung sila naman ang naghuhugas ng sariling baho sa
labas ng kanilang tahanan. 

NAALALA ko tuloy ang kilala kong mga public figures.
Mahilig mag-pose sa anumang photo-opportunity:
kahit PA mga magnanakaw ang nasa likuran.
O Abu-Sayaf man...kesehodang JI member yun.
O carnap gang!
Basta nakapose sila ni madam!
Tapos, kapag naisulat at naurirat ng mamamahayag,
sisigaw at aalma dahil "private citizen" siya!

ANO ba yan!?

No comments: