Habang wala, gustong makarating.
Kapag nandyan na, ayaw importahen!
::::
Ano ba talaga?
:
Maraming Pinoy ang nagkalat sa iba't ibang lugar sa buong mundo.
Kahit yata sa pinakasulok ng Africa, sa Congo, o Kabul, sa Afghanistan,
merong Kababayang pinoy na matatagpuan.
Meron nga akong nabasa sa Balita na merong Pinoy sa
Kazakhistan ba yun? Hanggang dun, may Pinoy!
Ganun din naman sa Bayang ito sa Silangan.
Marami ang nagpupunta dahil sa bilateral agreement ng
Bansa natin at ng Bansang Hapon.
::::
OO at nakarating na rito.
Sa UNANG DATING.....ang babait!
Naku pow! Talaga naman!
Sobrang galang,
con todo de bow pa yang mga yan.
Ngiting-ngiti kada meet sa iyo.
Bati con bati kada salubong nyo!
:
Makalipas ang isa ?....dalawa?
o sige na nga, tatlong buwan na!
AYAN na!
Simula na.....
Lalabas at lalabas ang naturaleza.
Patay kang bata ka!
:::::
Sa bawa't matino at kilalang mga Kompanya sa Japan,
marami ang may mahigpit na pamamalakad.
Suzuki, Yamaha, Toyota, Honda, at iba pa.
Malalaking Kompanya ito, kaya
mahigpit na pagpapasunod ang kailangan.
:
LAHAT naman kailangang sumunod nang maging maayos
ang takbo ng Planta o ng Kompanya, di po ba?
:
ITO ang sikreto kung bakit naging matatag at maunlad ang
Bansang ito, makalipas ang nakaraang Digmaang Pandaigdig.
Matapos maubos ng bomba ang buong Tokyo,
Hiroshima,おNagasaki, nagsikap at umunlad ang Japan.
GNP nila, pangalawa sa buong mundo
at kahit na ganito kaliit ang Japan,
masasabing matatag at maunlad.
:::::
UNAng rule: Follow Company RULES.
Sa una lang yun!
Sa kalaunan, wala na!
Ni bumati nga, eh....
lumipad na sa kalawakan!
Pinadala na yata sa kanilang bayan-bayan!
::::
PANGALAWA:
BAWAL ang celfone sa unang taon habang sila
ay mga TRAINEE pa lang.
Ang Kompanya ay nag-issue ng isang celfone na LIBRE
gamitin sa loob ng isang taon.
AYAW pa nila yun?
Dun sa celfone na yun sila maaaring tawagan ng kani-kanilang
mga kamag-anak para makausap. Yun din ang gamit namin para ma-contact sila
anumang oras ng umaga o sa gabi man.
::::
Alam mo ba kung ano ang ginawa ng mga mababait kong Kababayan?
Wala pang apat na buwan, nagsibilihan na ang mga tinamaan ng kulog!
In-between those months [from the 4th month up to the 11th month
of their Traineeship,] aba'y nakailang celfone na sila!
Yung isa, tatlong celfone; merong may 2!
Hanep, Pare!
Tinalo pa ako na merong 2 lamang.
Isa pang-personal na gamit,
at isa eh yung issue nga ng Company,
meaning libre!
Yung isa, kadarating lang....TATLO!
Can you beat that?
::::
Nang nalaman ng Kompanya
at tinanong, DENIAL QUEENS ang mga Lola!
Sumalosep!
Ano ba yan!?
::::
PANGATLO:
BAWAL magpapasok ng lalake sa Dorm nila.
Noong Linggo, pang-ilang beses ko na bang napuruhang makakita ng mga lalake
sa kanilang kwarto? Lima? Anim?
Pinagsabihan ko na, pero sadya yatang may katigasan ang ulo ng iba.
:
Bakit Bawal?
Kasi po, may mga babaeng Trainees na nabuntis
habang nasa kani-kanilang three-year contract dito.
YUN ang iniiwasan ng Company.
Besides, kailangan ng bawa't kompanyang i-submit sa Ministry of Foreign Affairs
ang tunay na dahilan kung bakit pinauuwi ang mga Trainees.
Nakakahiyang ilagay dun..."Nabuntis sa kalagitnaang ng tatlong taon!"
Tsismis na dito yun, tsismis pa sa Pinas!
Imagine, uuwing buntis ang Pinay
eh ang asawa eh nasa Pinas naman!
Paano?
:
Minsan nang nagpunta ako sa Dorm nila,
mga alas 4 na ng hapon. Natagpuan ko nang may 2 lalake.
Kamag-anak daw. So wait ako, kasi nga, responsibilidad ko ang mga ito.
Aba, eh...alas 8 na kwentuhan pa sila.
Alas Diyes na, wala pa ring tumitinag.
Alas 10:30, nagsalita ako....
"Let's call it a day! Aba! Mag-a-alas 11 na pala!"
Etching lang.....
Saka lamang tumayo ang mga kumag at naghandang papauwi.
Hirap ng pakiramdam ko dun.
Gusto kong humikab, pero panay pigil.
I am used to go to bed at 9, 9:30...
Beyond that, talagang kailangang lagyan na
ng toothpick ang mga mata ko para mapanatiling bukas ito.
Eh mag-dra-drive pa ako pauwi sa bahay!
Sows!
Just imagine how I made tiis with that:
jingle na jingle na me, but
I can't make jingle there, kasi ba naman
some men were using those toilets along with the 10 under my care.!
And they hardly clean 'em toilets!
Yaiksss to da max!
::::
PANG-APAT:
LINISIN ang bahay.
:
Linggo linggo, ako ang nagche-check ng kanilang tirahan.
Bahay talaga yun ng may-ari na lumipat na sa ibang lugar.
Pinagamit sa mga Pinay.
Maganda, maayos, bagaman may kalumaan,
may modern amenities, ika nga:
kumpleto sa loob...bawa't room may aircon/heater,
may TV, satellite connection pa ang mga Lola, ha!
Tas, may Ref, Oven Range, Airpot, Gas Range,
Washing Machine, at meron pang panghugas ng puwet.
Heated toilet pa yun, ha? Para hindi malamig sa Winter.
Sa madaling salita, LAHAT!
:
O, saan merong ganyang accomodations?
Sige nga!
:
I checked first time. Tinuro ko ang tamang paraan ng paglilinis,
pagtatapon ng basura, personal napkins, atbp.
The next week, nag-check ako.
Tas, check din ang Toilet.
[Hiwalay ang Toilet sa Bathroom dito]
Nako pow! Nakita ko sangkaterbang buhok:
maigsi, mahaba!
:
Napalakas ang boses ko and I said:
"Hoy! mga babae kayo di ba?
Bakit ganito ang CR nyo?
Itong sapin sa toilet seat, kailan huling nalabhan ito?"
:
'Mula pa nung dumating kami rito.'...sagot sa akin.
:
"Mula pa noon, ni isang beses, wala pang laba-laba ito?" I asked.
:
Answer: 'Wala pa.'
:
Pag-angat ko ng toilet seat, may remnants pa ng
"ebs" sa likuran....parang nag-talsikan ang putikan!
Matigas na.
Naku! Talagang sumigaw na ako.
:]
"Ano ba kayo?
Hindi ba kayo nahihiya? Babae kayo di ba?
Kung sa kwarto ng mga lalake, baka hindi ako magulat....
pero mga Nanay kayo!....mga dalaga!
Sumalosep!" sabi ko.
:
Hindi ko mapigilang masuka.
Napasuka ako sa toilet.
Kadiri!
:::::
Since then, isnab-to-da-bones ang mga Pinay
sa biyuti ko.
:::::
These past few days,
nagkakaroon ng problema sa mga Pinay na ito.
Natuklasan ng may-ari ng Kompanya na hindi lang nagpapapsok sa
Dorm ang mga Pinay....
nangungutang pa sa ibang Pinoy at Hapon:
dun sa mga lalaking bumibisita
sa kanila sa bahay.
Lalong nagalit ang Owner ant Manager.
Bawal kasi yun sa mga Trainees nang maiwasan ang gulo.
Gusto ng may-ari na makapag-ipon ang mga Pinoy ng pera
nanag may maiuwi pagbalik-Pinas.
::::
Ewan ko, ha....
pero sa eded nila ay naglalaro mula 25 sa pinakabata
at 36 sa pinakamatanda, pero ang lumalabas,
kung sino pa ang bata, siya pang sumusunod sa mga utos.
Sa mga nakakaktanda naman, kung magbabago yan, eh di sana
noon pa. Bagkus sila itong malalakas ang loob na sumuway sa utos.
Marami nang pagkakataong nahuli at pinatawad sila.
NGAYON, eto na naman!
Ilang beses na nga ba?
:
Kailan matututo?
Kailan magbabago?
Hanggang 'Gomenasai' na lang ba?
:::::
When I was in Grade 4,
I remember a line taught to us in GMRC.
=
"Growing up children knows what is wrong
and what is right.
Good children shun what is wrong
and do what is right."
=
Hindi na sila bata.
Mga matatanda na.
:
Hindi kaya "Batang isip?"
::::
Pray, do tell.....
=
OSHIETE!
::::
No comments:
Post a Comment