Monday, November 30, 2009

Pakapalan Na!



Eleksyon na naman....
Marami na namang lalabas na mga issue, kandidato,
bukod sa 3 Gs na pinasikat ni marcos
noong kanyang kapanahunan.
Ito yung gold, goons at guns.
Sa madaling salita, pera, galamay at baril.
Marami pa ring ganito ang sistema
lalo na sa mga lugar na mahirap masilip
ng kalungsuran.


Ang daming kandidatong lumalabas na para ideklara ang
kanilang kandidartura sa darating na eleksyon.
Ito eh kung eleksyon mang matatawag ang mangyayari sa Mayo, ha.

Eniwey,
eto na naman ang mga balitang lalahok sa susunod na eleksyon
ang mga colorful, kundi man controversial characters na ito:

Palparan: Ito si Bedugo, para senador. Lalabanan daw si Satur na tatakbo rin sa Senado.

Jocjoc Bolante: Remember him na humawak ng Fertilizer Scam na ewan kung may nangyari rin naman; parang dedma lang ang gobyerno, ni hindi naman yata na-prosecute.
Tatakbo raw para Governor ng Iloilo! Asus! Pag nanalo ito, ala na akong bilib sa mga Ilonggo. Dami ko pa namang kakilalalng matitinong Ilonggo. Naman, naman!

Mark Jimenez: Para Presidente. Labo nito.
Bakit ba tinatanggap ng Comelec ang mga
ganitong kandidato? Hindi mo alam kung talagang ginagago
ang mamamayang gaya ko.
'Di kaya dapat, eksaminin ng mga Psychiatrist
itong mga taNga comelec?
Baka may mga sira ang ulo ng mga ito?

Mancao: Pa-ek-ek pa, yun pala ,
media mileage lang ang kailangan!
Type rin palang tumakbo,
di pa naghanap ng mas maiging paraan.



Caringal: Isa sa mga Euro Generals.
Tatakbo raw bilang Mayor ng Cabuyao,...sa Laguna.
Teka, teka, ano na ba ang nangyari sa imbestigasyon?
As usual.....Whitewashed na? May nabago ba?
Hay naku!


Edu: Bise raw! Bise as in Vice! Juice kupu!
Papaya ka na lang, baka makisabay pa ako!


Bong Revilla: Ano? Tatakbo na naman?
Para mambutas ng silya sa senado?
Tumigil ka na nga diyan!
Mag-artista ka na lang kaya?
Tutal nalabas ka naman kahit
nasa senado ka, eh. Walang delicadeza!

Lani Mercado: tatakbo raw sa Bacoor,
bilang Kongreswuman.
May pera sa pwesto! Yan ang totoo!


Kaya nga si Aling glu...tatakbo rin daw!
Sa Pampam ga!

Ano ba yan?!

Pinaglalaruan na lang ang Bayan
nitong mga talampas, tulisan at mga
sangganong naka-barong at saya!



Gising, Bayan!
Imulat ang mata sa mga ganid sa paligid!
Huwag padadala sa mga pangakong palaging napapako!

Gising!!!!!!!


*













No comments: