Monday, September 04, 2006

PILIPINAS, sa kuko ng Sinungaling!

*Alay kay gng. glue pandikit y pidal*
ang diwata ng lagim.
Medusa
***
Natatandaan ko noon si Ina,
na sa tuwina'y nagpapaalaala
"Huwag magsinungaling,
pagka't ito'y kapatid ng mandarambong!"
***
Tunay na tunay
ngayon ko naalala,
sapagka't itong nagpapanggap na lider,
reyna ng sinungaling!
***
Hindi lang yan, aking Kababayan,
Pati na ang pera kinuha sa Pondo....
Kasahog ang esposo dorobo
Kawawang Pinoy, ayu't naghihirap!
***
Bakit nga ba nagkaganito?
Hindi mawari madasalin kuno!
Pakitang-tao, ismid naman dito,
Yun pala ang ugali, pakitang-tao!
***
Tantrum dito, sigaw doon,
ang image ni madam, mapait at pilit.
Kaya naman pala, palabas ang lahat
pa-sweet-sweet sila para sa camera!
***
Ngayon naghihirap sa kuko ng sinungaling
Bayang minamahal ano ba ang nakain?
Bakit hindi iluwa kung ang lasap ay pait din?
Palayasin ang hudas Bitayin ang sakim!
***
*
Smiley Sunglasses






No comments: