Tuesday, November 16, 2010

For YOU

Marami-rami na rin naman
ang aking natulungan....
Kung bibilangin sa daliri,
baka magkulang.



Don't get me wrong...
I'm not making papel here....
But just the same,
I wanna say something.


Mga pinag-aral, mga pinatuloy at kinanlong;
Mga pinalaki, binihisan, tinuruan.
Ang asam ko hindi bayad sa lahat ng kabutihan,
kundi isang sulyap....`di kaya`y
~ kahit konting pagtingin....~man lang.



Wala ni "Salamat" o "Kumusta na?"
Ni ~ha -ni- ho!....wala, wala yan, companero.
Masakit man sa puso, iniyakan ko rin `yan
Dasal pa rin sambit ko para sa kanila araw-araw.....



Ganun yata talaga ang buhay.
May marunong tumanaw, may walang pakialam.
Kahit ilang Pasko na ang nakakaraan,
Wala ni tawag, sulat man o pagdalaw.



Ang masaklap doon nang minsang aki'y sulatan
Para papirmahin sa isang papeles ng lupang pinahiram.....
Aba't ang sagot super tigasin kung turingan,
Iba na talaga kapag 'yumaman' ang taong natulungan.




Ilang beses ko rin yang iniyakan nang iniyakan.
Ilang ulit kong tinanong kung ano ang kasalanan....
Bawa't salita, bawa't bagay na tinuringan
Sarili ko pa rin, sa lahat, may kasalanan.





As I walk through the road, as I travel through life....
I realize that there are things we can't change in this world.
I must accept that things were made as it is....
Can't change them...can't do anything.





Rest assured my love for them is true
It won't change till my blood turn blue;
Even if they snub me and hate me my whole life thru
I will be there for them when they need me, sigurado!




*
I just hope and pray that these people see the light



soon!

****

Naligaw lang siguro
at hindi matandaan
ang daan papunta
sa aking tahanan.




**
**
*












1 comment:

Anonymous said...

ingrato ang tawag jan manay