Thursday, November 15, 2007

MANHID

Marami na ang nangyari sa Bayang Minamahal.
Sa gitna ng pagkabuko ng lagayan sa Malacanang,
Ayun, may sumabog sa Glorietta pa naman;
Sagot ng PNP methane gas ang dahilan.

Eto na naman may sabugan na naman
Sa gitna ng pagpursige sa 500 thou na lagayan.
Maniwala ka't dili sa Batasan sumabog, Kaibigan.
Damay si Akbar, at iba pang mamamayan.

Punto ng PNP [ulit!] ASG ang may kasalanan,
Tanong ng Bayan, Bakit sa Batasan?
Hindi ba mahigpit checkpoint na bantayan,
Maniniwala ba ang tulad kong mangmang?

Samantala itong si gloria, kampante't walang pakialam,
Nakaluklok sa upuang hindi naman lehitimo,komo't ito'y hiram.
Ayun at tahimik sampu nitong kasamahan,
Palibhasa'y nalagyan, 500 daang libo lang naman.

Manhid ang lahat, manhid sa hirap
Palibhasa'y may perang galing sa aming mahihirap.
Ano pa ba ang dapat mangyari sa Bayan
Maghirap at tumahimik, tanggapin ang lahat?

Manhid ang lahat, manhid ang nakaupo
Manhid sa hirap, manhid sa tunay na estado.
Mataas daw ang piso, kay taas ng presyo!
Paano mabubuhay ang buhay kong ito?

Pataas na bilihin, walang kontrol sa presyo,
Pati na gasolina, pasahe sa sasakyan, isama mo pa.
Problema sa gobyerno, patuloy na lagayan....
Wala na yatang lunas diyan sa kurakutan.

*********************************

2 comments:

eagle wild said...

Magandang diwata ng ating lahi
Lubhang malungkot ang yong munimuni
Pandarambong sa yaman ng bayan
Namulat na mula noong isilang.

Kahit sino pa ang nakalukluk
Maging si gloria o sino pang hayok
Tiyak na kurakot ang laman ng isip
Wala nang iba, kahit sa panaginip.

Tibayan ang loob at di pasisiil
Sa nagbababantang unos at hilahil
Gaya ng payo ni Rizal na magiting
Mga bayani ay ayaw magpa-alipin.

mschumey07 said...

Hindi lang manhid, makapal pa kamo. 59% of Filipinos want her out. I hope this comes soon, gusto ko nang mamundok.