Tuesday, March 27, 2007

PAANO MAGWAWAKAS ANG KASAMAAN?

KUNG ALAM ninyo,
puwede po ba, pakisabi lang?

Nakakapikon talaga ang sistemang bulok ni gloria.
Sangkaterba na ang nagrereklamo ngunit wala pa ring pagbabago!

Magaling dumiskarte ang mag-asawang ganid. Alam nila "lagyan"
ang kiliti ng ilang perhuwisyong ganid na mas pinili ang kasuwapangan
kaysa sa pagmamahal sa Bayan.

Palibhasa'y ang sinasanto ay pera, ayun at nagsama-sama sila!

Lumabas ang TUTA....
Kasama sa TU ang mga sampalatayang TUTA na walang pakialam
kahit na nagugutom ang Sambayanan.

Isip ko lang.....
LAHAT ng kasamaan ay may wakas.
Walang nanatiling nasa poder nang matagal.
Kasaysayan ang makapagpapatunay niyan.
Nandiyan si Hitler, si IDI AMIN, si marcos
at iba pa!


Hindi kaya sila takot sa balik ng Bayan?

Nakakatulog pa kaya sila sa gabi?

Mahimbing kaya?

Masaya kaya sila?


KAILAN magwawakas ang Kasamaan?

PAANO?

No comments: