Wednesday, March 28, 2007

DRAMA SA MANILA

NAgkaroon ng "Hostage-Drama" sa Manila.
Isang may-ari [raw!] ng isang Day-Care Center ang nanghostage ng 32 bata at 2 teacher sa loob ng bus. May granada at UZI pa raw ang hostage taker na si Ducat...

Besides, while it is true that many of our Kababayans have grown weary of corruption in Inang Bayan, the means taken by Ducat is a big N0!-N0!. In my book, using children as pawns to get what you want is endangering the lives of innocent civilian, and children at that! Kung hinostage anak ng baboy, baka sakali pa.

However, it appears that the whole things was a farce. Scripted, sabi nga.
Marami ang pumapel na opisyal, kasama na si Bong Revilla at si Chavit.
Why Chavit, I do not know! Sabi nung iba, kasi kulelat sa survey.


IN EllenVille, there were posters who reacted to the ensuing drama.
Someone who goes by the handle Tongue-Twisted
posted this. It somehow made things clearer, although the poster issued a disclaimer.

Natawa ako sa post kasi, tumugma sa eksena.
Here's the entire post, looted from Ellen's.

Enjoy!

====================================================
# TonGuE-tWisTeD Says:

March 29th, 2007 at 7:31 am

Tangna talaga, kung hindi lang na-trapik si Dato Arroyo sa South Superhighway, malamang nadoon din sa loob ng bus iyon!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa headquarters ng mga TUTA, tanghali ng March 28:

Mike Defensor: Sayang yun mga ‘tol, yung mga holdaper nga nakipaghabulan ako, diyan pa, hindi naman tumatakbo yung bus!

Ed Angara: Ang yabang naman nito, nakipaghabulan daw e yung backup car lang naman ang humabol, siya nandun sa tabi ng cameraman para laging kasama sa picture.

Vic Magsaysay: Swapang naman iyan si Chavit, kanina pa doon ayaw pa umalis. Ako na ang susunod, diba Direk?

Direk: Hindi ikaw, si Kiram muna.

Raffy Recto: Sabi ko kay Vi sa cellphone, dadalhin ko siya doon para dramahan niya si Ducat, ako ang kukuha nga mga granada at baril, natunugan yata yung tawag ko, ayun inunahan tuloy ako ni Chavit.

Direk: Eto pala ang swapang, pasok ka na sa Minagic 12, aagawan mo pa si Gov. Teka, Bakit ka naman hindi dumating Datu Kiram?

Jamalul Kiram: Pisti kasi trapik sa Quiapo, nagdasal man kami sa muske duon, piro dili man kami nakasakay papunta siti hol. Wala taksi, apat nga uras kami hintay wala man datong.

Joker Arroyo: Kung hindi ba naman engot na Datu Puti itong si Kiram, apat na oras naghintay ng taksi, wala pang beinte minutos nandoon na siya kung naglakad siya, nakapag kamay pa siya sa maraming tao.

Tessie Oreta: Buti na lang hindi tumakbong senador si Ducat dahil talo ang plataporma ko. Ako gagawa pa lang nng batas, si Ducat nagbibigay na ng libreng pre-school. Buti na lang pinalitan ko na yung campaign ad ko, ginawa ko nang “I Am Shorry, Oreta version”.

Migz Zubiri: Eeew, yoko nga umepal sa mga ganyang scenes, no. Pleeze, bawal yang mga ganyan sa beauty ko. Yung pa-boxing-boxing, sa campaign ad lang yun! Mahirap mapasubo sa ganun, baka makalmot ko yang matandang Ducat na yan.

Prospero Pichay: Hey, Como esta! Anon’g nabalitaan kong merong pinagkakaguluhan sa City Hall? The Cut ang tawag sa radyo. Pagkakaperahan siguro dahil nandoon si Bong at Chavit.

Tito Sotto: Pare, talagang tanga ka, hindi The Cut..Dakot!

Cesar Montano: Tito Sen, Ducat po. Tinututukan na ni Direk Carlo Caparas. Baka isama sa gagawing sequel ng bio ni Gov Chavit. Ganado nga siya, kasi baka magkakaroon na ng ending ang buhay ni Gov. ng di inaasahan. Kaya dual ang role ko bilang Ducat at si Gov.

Direk: Tangna nyong lahat, kung lahat kayo papapel doon, halatang halata na pakana natin iyun. Puro kayo mga tanga, mga bobo.

Gloria: Hep, hep, dahan-dahan ka sa pagsasalita!

Pangilinan: Noted, ma’am.


======================================

HEE-HAW!!!!!!

No comments: