NAIINGGIT ako kapag nababalita ang tungkol sa mga protesta sa Bangkok.
Para tuloy flashback ng EDSA 1 ang nasa isip ko.
Hindi maiaalis sa isipan ng lahat sa buong mundo ang resultang nagawa ng kulay yellow ni Cory Aquino sa pagpapatalsik sa mag-asawang diktador. Alam ng lahat na inspirado ng EDSA 1 ang nagaganap sa Bangkok ilang taon na ang nakakaraan kagaya ng kaganapan sa kasalukuyan.
Naging matagumpay ang kanilang protesta at nagpalit ang namumuno sa kanilang bayan.
Eto nga at meron na naman silang reklamo kaya naman kapit-kamay ang lahat para mapatalsik ang korap na ministro.
Madalas sa hindi, palaging naririnig ng mga kakilala ko at pati na ni Lolo ang palaging bukambibig ko: 'Ang daming magnanakaw sa Pinas!` 'Kainis!' ad infinitum....
Tanong tuloy ng mga kakilala ko, pati na ni Lolo, "Ano ginagawa ng Pilipinas para patalsikin ang mag-asawang diktador?"
Sagot ko: "Lo`.....matagal na po yun. Buhay pa si Tatay nun."
Sagot ni Lolo: "Hindi yung dorobo na yun. Itong nagsabi ng sori pero ayaw umalis. Yung nang-agaw ng puwesto...."
Teka.....ano nga ba ang ginagawa ng sambayanang Filipino sa hayagang pagnanakaw ng mga "kagalang-galang na public servants?"
SANA lang....MAULIT MULI ang tunay na EDSA uprising noon.
Hindi yung isang EDSA na minani-obra ng mga taong nagplanong paalisin ang isang lehitimong Presidente ng Bansa.
Yung tunay na makakapagpalaya sa Bansa sa kuko ng mga mandaragit ng yaman ng Bayan.
Para hindi na kailangang marinig sa buong kapuluan ang numero unong sinungaling sa pagsasabing:
-----`I..............am...........sorry` ...o kaya nama'y 'Hello, garci...garci!`
No comments:
Post a Comment