Monday, October 08, 2012

AKIN ANG PILIPINAS!


Parang ito ang  tema ng mga taong nais "magsilbi" sa pamahalaan 
sa susunod na taon. Ang palaging tanong: Totoo kaya?

Hmmmm....Alam ko na alam ninyo ang kasagutan diyan.
AT...marami pa rin sa mga kababayan natin ang walang huwisyo
kapag pagpili ng tamang tao ang pinag-uusapan.
 Yung iba kasi, maabutan lang ng dalawang latang sardinas, 
isang kilong bigas at isang daang piso, 
ibebenta na pati kanilang ina.
Tumalon, nagtago ang prinsipyo nila...
o sadyang wala  nga.


Eto at eleksyon na naman.
Naglabasan ang sangkaterbang artista at
gusto ring matawag na "Kagalang-galang" 
na Representante ng Kamara. 

ILAN ang tunay na may malinis na hangarin sa kanila
ewan natin.  Ang masa lalong nakakarindi, ang mga 
POLITICAL DYNASTIES na mas lalong dumarami
at sobra nang garapal sa mata ng tao.

Sa mga lokal na pamahalaan, at sa mga siyudad...
kalapit lang ng Kamaynilaan, 
nandiyan ang  tatay, nanay, 
bayaw, anak, pamangkin, kapatid 
at kung sinu-sino pa!


Tatakbong alkalde si ama...
samantalang  Gob si ina.
Andito si Kuya para meyor,
at si ditse sa representante.
Sa karatig-bayan, andiyan si bayaw....
samantalng si misis ang para sa bise.
Etcetera, etcetera, etcetera...

Ibig ba sabihin nito....
sila lamang ang may "malasakit" sa paninilbihan sa
mamamayan? O sila lamang ang matapang ang  apog
[isabay pa ang kapal ng mukha!] na
tumakbo at nang masarili nila ang kapit sa puwesto?
Mag-isip-isip nga kayo!

Mahiya naman kayo.

Gising Juan! 
At huwag maging batugan.
Silipin ang kalakaran 
Huwag mong hayaang 
manakaw na naman
Kaban ng Bayan
Lilimasin nila yan.
 Buksan ang mata;
Makinig sa balita.
Ayusin ang pagpili
Para sa  Bayang sinisinta.


*



1 comment:

Barbara said...

Hey guys, this article is really useful in my condition. Nutri-IQ is a platform that emulates the process a Wellness Professional uses to analyze comprehensive biomarker test panels. With Nutri-IQ™ the practitioner is now able to provide exceptional recommendations which are timely, relevant, and consistent, delivering greater overall patient satisfaction. Our platform is an innovative solution which includes trustworthy databases. Have you ever heard about it? What do you think?