ILANG linggo naa ang nakalipas, itong si sotto ang laman ng balita dahil sa copy-paste part 2 . NGAYON naman, si iskong moreno
[screen name lang yan! hindi ang tunay na ngalan!]
Ayos!
This reflects the kind of supposedly-"public servants" we have in government.
We can only blame ourselves for listening to the lies of these alligators dressed in barong tagalog.
TANDAAN: nasa atin ang karapatang magluklok sa kanila sa puwesto.
Hahayaan pa ba natin silang mangulekta ng pera ng Bayan?
Naman. Naman!
Isko may alagang 200 'multo'
- Published : Monday, September 24, 2012 00:00
- Article Views : 56
- Written by : Itchie G. Cabayan
- MAHIGIT sa 200 katao ang lumitaw na ‘ghost employes’ sa tanggapan lamang
ni Manila Vice Mayor at council presiding officer Isko Moreno. Ito
ay batay sa ‘partial evidence’ o paunang ebidensiya na hawak na sa
ngayon ng Commission on Audit (COA), na binubuo ng mga sinumpaang
salaysay at sertipikasyon o patunay mula sa iba’t ibang barangay sa
distrito 1, 2 at 3 pa lamang ng lungsod.
Ang mga naturang sworn affidavits o sinumpaang salaysay ay ibinigay ng mga tao na nakalagay ang mga pangalan sa payroll ng Office of the Vice Mayor (OVM) subalit itinatanggi na konektado sila doon o ’di kaya ay tumatanggap sila ng sahod bilang consultant o researcher.
Kabilang sa mga naturang nagbigay ng sinumpaang salaysay ang dalawang kasama sa payroll na sina Luwil Balo Torres at Rosemarie Silva, na bukod sa pagtangging empleyado sila ni Moreno ay napag-alamang kapwa may trabaho sa ibang kumpanya sa ngayon. Si Torres, 46, ng 512 Concha St., Tondo, ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Ninoy Aquino International Airport kung saan siya ay tatlong taon nang tourist driver. Na-shock naman umano si Silva, 53, ng 1949-C Kusang Loob St., Sta. Cruz, Manila, nang malamang kasama siya sa payroll mula pa 2008 gayung 2006 pa lamang ay nagta-trabaho na siya sa Repertory Philippines.
Ikinaila naman ni Evejelyn Caingat, 42, ng 1819 Antipolo St., Sta. Cruz, Manila, na ang kanyang asawang si Dennis ay empleyado sa OVM dahil noon pang 2008 ito nagtatrabaho sa New York, USA.
Sa kaso naman ni Thelma Emutan, nagsalita ang ina nitong si Remedios, 69, ng 1589 Jimenez St., San Andres Bukid, na walong taon nang nagtatrabaho ang kanyang anak na si Thelma bilang receptionist sa isang hotel sa Riyadh, Saudi Arabia, hanggang ngayon.
Nang malaman na kasama ang pangalan ng kanyang anak sa payroll ng OVM ay agad umano nitong in-email ang kayang anak upang tanungin at sinabihan umano nito siya na kahit kelan ay ’di siya naging konektado sa OVM. Hinilng pa umano nito sa kanyang ina na magtungo agad sa Manila City Hall upang klaruhin ang kanyang pangalan.
Sinabi naman ni Alexander Toledo, 48, ng 245 Tuazon St., Tondo, na kilala niya si Moreno bago pa ito maging pulitiko, subalit tumigil na sila ng pag-uusap mula nang sumali ito sa pulitika. Aniya pa, mula pa noong 2002 ay sumama na siya sa negosyong junkshop ng kanyang kapatid na siya din niyang pinagkaka-abalahan sa ngayon.
Batay naman sa salaysay ni Theresa Noora, 27, ng 401 Int. 26, Perla St., Tondo, naging pollwatcher siya ni Moreno noong 2010 elections subalit hindi umano siya kailan man tumanggap ng Php12,000 kada buwan na sahod gaya ng nakalagay sa payroll at hindi rin umano kanya ang address na nakalagay doon.
Ilang araw matapos malaman na nagamit ang kanyang pangalan sa payroll ng OVM ay pinuntahan umano siya ng isang Mr. Del Rosario, alyas ‘Bano’, na nagpakilalang empleyado ng OVM, kung saan hiniling sa kanya na magtungo sa OVM subalit kanyang sinagot na pag-iisipan muna niya.
Ayon naman kay Joselito Carmona, 30, ng 1387 Franco St., Tondo, matagal na siyang walang hanapbuhay, kasabay ng pagtanggi na siya ay konektado sa tanggapan ng vice mayor. Ang huli umano niyang naging trabaho ay bilang internal security ng DIY Shop na natapos noong 2007.
Samantala, napag-alaman na ang ibang certifications na inisyu ng iba’t ibang barangay ay nagpapahayag na ang nakasaad na address ng ilang empleyado ng OVM ay ‘non-existent’ o walang katotohanan. Ang iba naman ay nagsasabing tama ang address subalit ang nakatira namang tao doon, na ang pangalan ay kasama sa payroll, ay ’di naman talaga nakatatanggap ng sahod mula sa OVM.
Sa kaso ng iba, ang address na ibinigay ay tama subalit napag-alamang ’di naman doon nakatira ang tao na sinasabing empleyado at kelan man ay hindi rin ito napatira doon.
Sa mga naturang certificates, ang isang address ay pag-aari ng isang barangay kagawad samantalang ang isa pa ay pag-aari naman ng isang barangay chairman. Kapwa ikinaila ng barangay chairman at barangay kagawad na nakatira sa kanilang address ang mga empleyado na nakasaad sa payroll ng OVM na ang ibigay na address ay sa kanila. ’Di rin umano nila kilala ang mga ito. - Source: http://www.journal.com.ph/index.php/news/metro/38508-isko-may-alagang-200-multo
No comments:
Post a Comment