Monday, July 05, 2010

Move on, Mar

Ilang beses kong napansin si Roxas sa bawa't kilos at balita
tungkol kay PNoy. Nasa larawan siya sa bawa't kasalong bisita
sa Times Street.

Okay lang siguro, tutal nga, team-mate sila di ba?
Yun nga lang natalo manok ni Korina kaya ayun....
panay ang paramdam na nandiyan siya.


Ayos sana.
Kaya lang, di ba...nakararami sa atin ang tila
kuntento naman sa kalakaran ng eleksyon.
Hindi tulad nung 2004. May `Hello Garci!'


OO at alam natin na malungkot si Koring kasi nga natalo asawa niya.
Isa pa, lakas siguro ng himutok nito kasi nga nag-slide sa pagka-VP
si Mar, bilang pagbibigay kay NoyNoy na manguna bilang Presidente.
Hindi ba't sinabi ni Korina na ,
… kasi namatay ’yung ina, at gusto naman daw nitong anak na tumakbo …

Sa pagkakasabi ni Korina na yun, super taray ang dating sa akin eh.
Para bang masyado namang inismol ang pagkatao ni Noynoy.
Grabe talaga sa ka-ek-ek kan itong si Koring, oo.
Eh paano na lang kung maging Presidente na nga itong si Mar
sa darating na panahon? Iyan eh kung may boboto sa kanya, ha?
Baka kasi maudlot dahil kay Korina......
Baka sa halip na maengganyo ang mga botante,
baka umayaw na lang. Masyado kasing BBS
[Bilib na Bilib sa Sarili].
Para bang wala nang magaling kundi sila na lang.




Sa punto de vista naman ng mga nakakaalam, eh
talagang walang kalaban-laban si Mar kung nagpilit siyang
tumakbong Presidente. Laking talo marahil, dahil
hindi ganoon ka-dependable ang Mar Roxas sa
paningin ng nakararami. Nakabuti nga na si PNoy ang pumalit
kasi siya naman talaga ang clamor ng Sambayanang Filipino.

Kung nagkataon.....
.......eh baka si Erap na naman ang nakaupo.
Ano ba?


Sa ngayon, mukha namang maayos si Binay. Hayaan na sana nila
na makapagsilbi rin naman at humawak ng puwesto sa Gabinete.
Meron daw "kamay" na nagsisilbing "filter" sa mga
appointed officials ni Pnoy.
Si Mar Roxas kaya yun?

No comments: