Thursday, July 01, 2010

PNoy

PNoy was sworn in as the 15th President of the Philippines.....

Whatta feeling!

Ang gaan ng pakiramdam!!

Parang ngayon lang ako nakaramdam nang ganito.
In a long, long time.....

Everything is all right.

Nasa tamang paraan ang pagboto;
nasa tamang lugar ang pagkakatalaga sa kanya.

SANA rin tama ang lahat ng taong inilatag ni PNoy sa
kanyang gabinete

para naman magkaroon ng tunay na pagbabago
at maging "Mabuting Filipino " na lahat tayo.

*****

Some critics [as usual, meron nyan!] say it was just a simple speech.

No rhetorics, nothing unusual. Daw!

Yun na nga ang problema eh.

Sa dami ng gustong magpa-impress,
nawawala ang talagang sentimyento ng Mamamayan.

Mabuti na nga ang simple at nauunawaan ni Juan
kaysa naman sa maraming magagarbong salita
na kulang naman sa katotohanan.
Magnanakaw lang pala
sa kalaunan!



*****

Kasama ako sa mga naghintay at nanood
nang paulit-ulit ng mga video clips
sa mga pangyayari sa Luneta at sa Malacanang.
Kahit na nakaligtaan ko ang aking celfone at
nakasama pala sa loob ng jeans ko na nailagay sa
labahan! Ayun at na"labhan" si celfone!
[singhot! iyak!...waaah!]
Pero di na bale..... sulit naman.
Si Noy na ang aking Presidente!
Ayos lang!


*****

Napanood ko rin yung kumanta siya PNoy
sa QC Circle. OK lang na sintunado,
basta ba maayos ang patakbo sa Bayan.


Nakakalimutan ng mga kritiko na
sa kasimplehan ni PNoy, yun ang
mas nakakapaglapit sa kanya
sa taumbayan. Doon sa kasimplehan
tumutumbok ang kanyang koneksyon sa mamamayan.



*****

Panalangin ko na sana
maging maayos ang kanyang binuong team

~para sa Bayan!

No comments: