Friday, July 09, 2010

No to pork

Ang daming kabalbalang nangyayari sa simpleng proposal ni
Lorenzo “Erin” Tañada III.
Nagmungkahi siya na para matulungan
ang gobyerno na makapagtipid
----dahil na nga sa sobrang laking deficit na iniwan
ni gloria at alipores----
eh bawasan ang pork barrel ng kahit na 30~50%.

Aba't umangal agad ang mag Congressmen.
Nanguna na si edcel lagman from Albay.

"Pork barrel cut is flawed....anti-poor....", sabi niya.

Wow! Akala ko ba, ang trabaho ng Legislative eh
gumawa ng Batas? Bakit ba patay-na-patay
sila sa pork barrel?

Dahilan kaya ito ng pagyaman ng mga Coogressmen at Senators?
Kaya ba nanginginig pang
magkaroon ngpuwesto ang mga ito?
Naman!


Siguro...it`s about time these Pork Barrel
-----which has become the source of corruption------
be removed. Bakit hindi nga i-deretso sa Executive Department ito
para mawala na ang sobrang yayabang at yayamang mga Tongressmen?

Sige nga....

Just examine the SALNs of these people and we`ll see
what happens at the end of 3 years....
Meron diyan nakapundar na sa AA Village.
Marami rin ang nakabili na ng bahay sa ibang bansa...
at marami pang ibang kuwento.

OUT with the Pork!
Alisin na ang Pork:
binababoy lang naman ng mga baboy, eh!
Saila-sila lamang ang nakikinabang,
sa halip na taumbayan.

Tama rin ito, gaya ng pagkain nang maayos.
Para naman maging "slim" at healthy ang Bayan Ko.
Mas malusog na ekonomiya, mas malusog ang kalakaran.
Besides, healthy means...no corruption.
Sana!







Thursday, July 08, 2010

Ang aking Presidente


I was happy to watch the video clips freely seen at GMA.TV site.
I felt the devotion of an only son to his mother
when PNoy walked up the stairs of Malacanang and
went directly to the portrait of his mother hanging along the main hall.
What a sight!


I am sure PNoy's portait, too, will be added to the gallery.
But couldn't he ask another artist to do another one?
This one didn't seem to catch the true PNoy spirit.
Don't you think?


Besides....sana lang....
he wears a Barong para mas Makabayan
ang dating....

Wala lang.....


Monday, July 05, 2010

Move on, Mar

Ilang beses kong napansin si Roxas sa bawa't kilos at balita
tungkol kay PNoy. Nasa larawan siya sa bawa't kasalong bisita
sa Times Street.

Okay lang siguro, tutal nga, team-mate sila di ba?
Yun nga lang natalo manok ni Korina kaya ayun....
panay ang paramdam na nandiyan siya.


Ayos sana.
Kaya lang, di ba...nakararami sa atin ang tila
kuntento naman sa kalakaran ng eleksyon.
Hindi tulad nung 2004. May `Hello Garci!'


OO at alam natin na malungkot si Koring kasi nga natalo asawa niya.
Isa pa, lakas siguro ng himutok nito kasi nga nag-slide sa pagka-VP
si Mar, bilang pagbibigay kay NoyNoy na manguna bilang Presidente.
Hindi ba't sinabi ni Korina na ,
… kasi namatay ’yung ina, at gusto naman daw nitong anak na tumakbo …

Sa pagkakasabi ni Korina na yun, super taray ang dating sa akin eh.
Para bang masyado namang inismol ang pagkatao ni Noynoy.
Grabe talaga sa ka-ek-ek kan itong si Koring, oo.
Eh paano na lang kung maging Presidente na nga itong si Mar
sa darating na panahon? Iyan eh kung may boboto sa kanya, ha?
Baka kasi maudlot dahil kay Korina......
Baka sa halip na maengganyo ang mga botante,
baka umayaw na lang. Masyado kasing BBS
[Bilib na Bilib sa Sarili].
Para bang wala nang magaling kundi sila na lang.




Sa punto de vista naman ng mga nakakaalam, eh
talagang walang kalaban-laban si Mar kung nagpilit siyang
tumakbong Presidente. Laking talo marahil, dahil
hindi ganoon ka-dependable ang Mar Roxas sa
paningin ng nakararami. Nakabuti nga na si PNoy ang pumalit
kasi siya naman talaga ang clamor ng Sambayanang Filipino.

Kung nagkataon.....
.......eh baka si Erap na naman ang nakaupo.
Ano ba?


Sa ngayon, mukha namang maayos si Binay. Hayaan na sana nila
na makapagsilbi rin naman at humawak ng puwesto sa Gabinete.
Meron daw "kamay" na nagsisilbing "filter" sa mga
appointed officials ni Pnoy.
Si Mar Roxas kaya yun?

Thursday, July 01, 2010

PNoy

PNoy was sworn in as the 15th President of the Philippines.....

Whatta feeling!

Ang gaan ng pakiramdam!!

Parang ngayon lang ako nakaramdam nang ganito.
In a long, long time.....

Everything is all right.

Nasa tamang paraan ang pagboto;
nasa tamang lugar ang pagkakatalaga sa kanya.

SANA rin tama ang lahat ng taong inilatag ni PNoy sa
kanyang gabinete

para naman magkaroon ng tunay na pagbabago
at maging "Mabuting Filipino " na lahat tayo.

*****

Some critics [as usual, meron nyan!] say it was just a simple speech.

No rhetorics, nothing unusual. Daw!

Yun na nga ang problema eh.

Sa dami ng gustong magpa-impress,
nawawala ang talagang sentimyento ng Mamamayan.

Mabuti na nga ang simple at nauunawaan ni Juan
kaysa naman sa maraming magagarbong salita
na kulang naman sa katotohanan.
Magnanakaw lang pala
sa kalaunan!



*****

Kasama ako sa mga naghintay at nanood
nang paulit-ulit ng mga video clips
sa mga pangyayari sa Luneta at sa Malacanang.
Kahit na nakaligtaan ko ang aking celfone at
nakasama pala sa loob ng jeans ko na nailagay sa
labahan! Ayun at na"labhan" si celfone!
[singhot! iyak!...waaah!]
Pero di na bale..... sulit naman.
Si Noy na ang aking Presidente!
Ayos lang!


*****

Napanood ko rin yung kumanta siya PNoy
sa QC Circle. OK lang na sintunado,
basta ba maayos ang patakbo sa Bayan.


Nakakalimutan ng mga kritiko na
sa kasimplehan ni PNoy, yun ang
mas nakakapaglapit sa kanya
sa taumbayan. Doon sa kasimplehan
tumutumbok ang kanyang koneksyon sa mamamayan.



*****

Panalangin ko na sana
maging maayos ang kanyang binuong team

~para sa Bayan!