Saturday, August 23, 2008

HOODLUM

Natawa ako sa isang komento.
Sa isang forum na nabasa ko.
" Hoodlum sa Senado" ang topic ng usapan;
Di ko mapigilan, napasagot ako.

Sabi nung isa, hoodlum daw ang isang senador.
Hangad yatang pigilan ang huntahan sa 2010.
Natameme, nawala nautal sa sagot ng iba.

****************************************

Sa may bandang Ilog, may hoodlum din.
Inagaw na upuan, ayaw nang bitawan.

Kahit nga naka-Barong, tuxedo o naka-Gucci...
Kita n`yo nga sa mga korte, nagbabatuhan pa?
Baho nila, naglabasan na.


O kaya nama'y naka-terno't saya.
Sabay tapik sa noo, may tantrum pa.


Nagkalat sila. Nagkakalat pa.....
Malamang magkakalat pa.

Hay naku! Malayo pa....
Malayo pa nga ang umaga.


********************************

No comments: