Wednesday, August 20, 2008

Nagwawala, nawawala: trademark glue


Dahil sa wala ang kanyang teleprompter,

Nagwala {na naman!} ang iskwater sa may Pasig.

Mga alalay tuloy, hilong talilong: nataranta{do!}!

Hay naku! Dali! Hanapin n`yo!

Hindi pala niya kabisado

Sasabihin sa publiko.

Ba`t ganun... may dala namang kodigo?

Pati na si Lupita, napangisi nang husto.

Mga gagong ta{N}ga Malacanang, parang ipo-ipo

Mistulang hangin, takbo-rito~takbo roon.

Hanap ng selyo, hagis ng kutson

Maiayos lamang ang nais ni madam pundi.


Ayan, tuloy ang nangyari, gaya nung una, panahon ni garci

Nagbasa ng idiot board, ang nagbasa isa pang idiot!

Labas tuloy, walang kaluluwang nag~parrot~ ang lola n`yo.


ITO ba ang presidente kuno?

Ow may gas! Gas-gas na ang linya....

Gastado pa ang Bayan sa kawalang sinceridad na linya...

Boom-boom boom, cha-cha-cha!





Galing sa Youtube, pinost ni jovef2,
ang taytel: President* Arroyo Outburst.


=========
*THAT...is what she says she is...
or how her men address her. She isn't MY President.



No comments: