Friday, June 27, 2008

HAHABOL-HABOL!



Anak ng pating talaga itong si aling glueria!
Ayaw na ngang kausapin, hahabol-habol pa!
Wala ka namang delikadesang punggok ka!
Di na naawa, mahiya man lang sana!


Kung ako ang nasa puwesto ng babaeng mang-aagaw,
Unang-una na'y di ko pipilitin ang ayaw sa akin.
Bakit nga ba't parang tila uhaw na uhaw?
Ang babaeng ito sa media, photo-ops at pasyal?


Totoo kaya ang siyete ni Kumare?
Na may hinakot na ang mag-asawang mata pobre?
May pera na`y may villa pa kuno
Sa Espanya ng Donya ang mag-asawang hangal!


Tumigil nga kayo, mga walang hiyang dorobo,
Baka pati anak n`yo'y may hakot na bandehado
`Di ako magtataka kung meron pati si luki {ekkk! luli pala!}
Naisantabing kuha sa kahon ni Juan Tamban.


Ang babaing baliw, sabi nila`y may sakit:
Sakit na epal takaw-pansin ang dating.
Kay hirap mabuhay sa piling ni midyet {`kala mo, s`yet, anoh?}
Kaya pati si epdyi naghanap na rin!!

Nya-haha!!!


Hay! buhe!



2 comments:

eagle wild said...

Pinagpipitagan kong katuto
Iwaksi ang iyong pagka-siphayo
Kahit na papaano meron tayong galak
Kung wala si gluria wala ng itulak
Sa bangin ng yagit at dilang hamak.

Taumbayan ay dapat tigilan na
Ang pakumbaba at asal maamong tupa
Mga dalangin na sana siya'a maglaho
Walang bisa sa kampon ng demonyo
Masdan mo't pinagtatawanan tayo.

Cory said...

Kahit kailanman, walang magtatawa
Sa mga gawaing matino't walang malisya.
Ang masasama'y malilipol at mawawala,
May darating na parusa sa bad gurl ng Bansa!

Ayos ba?