Marami na ang nagkaroon ng power pero iba pa rin ang dating ng power sa karamihan lalo na ang mga nakaupo sa kasalukuyan. Hindi tuloy maalis sa isipan ng ilan na talagang sabik at lasing sa poder ang may hawak nito. Para bagang ayaw na nilang bumaba sa kinalalagyan. Baka nga iba ang pakiramdam kapag nasa itaas ang hanging nasasagap. Nakakalasing ba? Tanungin si glorya!
Tingnan mo na lang ang ginagawang panggagago nitong power-grabber sa Malacanang: Nagbiyahe con todo pamilya kasama ang mga alipores na sipsip sa kanya. Ultimo apo, kasama! Anak ng huweteng talaga, oo!
Kasama ang tatlong senador na walang ginawa kundi sumigaw sa buong Bayan na tunay na legal ang kanilang amo, kahit alam ng buong Bayan na pulos kasinungalingan ito.Kasama rin ang may 35 {+?} kongresista. Hindi lang yan. Ilan ang kamag-anak ni glue na kasama? Sige nga....Magbilang tayo.
Mantakin mo yan? Hindi lang yan...billeted sa 5-star hotels ang mga yan at may mga "shopping money" pa yan, bukod sa "pocket money"?
Sey?
PERA ng BAYAN yan!
Naalala ko tuloy ang hinaing ng taumbayan. Hindi ko rin masisi si Sen. Trillanes at Capt. Lim sa Manila Pen Incident. Ganundin naman mareahil ang sentimiyento ng karamihan sa atin lalo na ang mga may tamang pag-iisip.
Mula sa Senado, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na isang direktang pangungutya sa hirap na dinaranas ng sambayanan ang pagbyahe sa Europa ng sangkatutak na opisyal ng pamahalaan.
Mistula umano talagang binabalewala na ng gobyerno ang mga karaingan ng taumbayan laban sa matinding corruption na isa sa pangunahing sentimiyento ng pinakahuling pag-aalsa ng grupo nina Sen. Antonio Trillanes IV at Gen. Danilo Lim noong Huwebes sa Manila Peninsula Hotel.
"Sa dami ng kasama sa entourage ni GMA sa Europe, kung hindi man manhid na ang gobyerno, parang nangungutya pa sa mga hinaing at reklamo ng taumbayan tungkol sa malawakang katiwalian," diin ni Lacson.
Kinastigo rin ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero ang sangkaterbang sabit sa byahe sa pagsasabing, "Naghihirap ang mga kababayan natin tapos magpapakita ng karangyaan at pagpapakasarap ang mga opisyal natin, hindi tama ‘yan."
Narito ang listahan ng mga kumpirmadong kasama sa byahe:
3 senador:
Miriam Defensor Santiago
Edgardo Angara
Juan Miguel Zubiri
35 kongresista:
Mikey Arroyo (Pampanga)
Simeon Datumanong (Maguindanao)
Ma. Amelita Villarosa (Occidental Mindoro)
Reylina Nicolas (Bulacan)
Milagros Magsaysay (Zambales)
Mary Ann Suzano (Quezon City)
Victoria Reyes (Batangas)
Rizalina Seachon (Masbate)
Herminia Ramiro (Misamis Occidental)
Antonio Alvarez (Palawan)
Trinidad Apostol (Leyte)
Rachel Arenas (Pangasinan)
Abraham Mitra (Palawan)
Rodolfo Antonino (Nueva Ecija)
Antonio Cerilles (Zamboanga del Sur)
Reynaldo Uy (Western Samar)
Roger Mercado (Southern Leyte)
Albert Garcia (Bataan)
Monico Puentebella (Bacolod City)
Nanette Daza (Quezon City)
Arnulfo Go (Sultan Kudarat)
Datu Pax Mangudadatu (Sultan Kudarat)
Monico Prieto-Teodoro (Tarlac)
Ann York Bondoc (Pampanga)
Aurelio Gonzales (Pampanga)
Ferdinand Martin Romualdez (Leyte)
Danilo Suarez (Quezon)
Zenaida Angpin (Manila)
Rodolfo Albano (Isabela)
Dong Mendoza (Batangas)
Del de Guzman (Marikina)
Carmen Cari (Leyte)
Ann Tan (Western Samar)
Bing Climaco (Zamboanga City)
Carissa Coscolluela (Buhay partylist)
Mayor:
Judd Lanete (kasama ng inang si Lina Lenete)
No comments:
Post a Comment