Sunday, December 10, 2006

KONSENSIYA


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hindi ko malaman kung ano ang gagawin.
Urong-sulong sa taktikang malabo sa paningin.
Nais manatili sa puwesto mga suwapang at ganid
Bakit kaya? Isiping mabuti at ating namnamin.

Masarap di hamak ang PORK sa may Pasig.
Aba...di ba nga, sapagka't libre at gratis!
Sabayan pa ng "powers" na kasama sa puwesto
Sino ba ang tatanggi lalo't ganid at ala-TRAPO?

Dumaan si Reming at ito'y nanalasa.
Nataranta ang iba pagka't nag-overflow ang lava.
Nawala ang ilang bayan sa bandang Bicolandia,
Paano ba naman, walang nag-abala, ni gumabay wala na.

Bisi si gloria at kanyang mga ASSong ulol
Para palitan at pumabor ang Batas sa Kamara.
Samantalang ang nasawi nabubulok na!
Tanong ng iba: Nasaan na ba sila?

Balita rito, walang relief goods.
Ni tulong sa nasalanta, walang naparoon.
Paano ba naman, kasuwapangan nanaig
Kaya tumataba, si Juan nama'y nanginginig!

Hanggang kailan magtitiis, Bayan kong Mahal?
Kung huli na at patay ang lahat ng Pinoy?
Paano na lang, kung walang OFWs?
Padala lang nila, kaya pumapalaot.

May konsensiya ba sila, itong mga TRAPO?
Lasa ko'y wala, kagaya ng amo.
Kung meron mang hiya disin sana'y noon pa
Umalis sa pwestong hindi naman kanila!


MAAWA NAMAN KAYO!
MAKONSENSIYA NAMAN KAYO!
UMALIS NA KAYO!


LEAVE THE FILIPINO PEOPLE IN PEACE!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

2 comments:

eagle wild said...

Keep the adrenalin flowing and the fire burning, dear tiger. A stranger passing by, upon reading you, might find such inspiration to become president of inang bayan and oust reyna engkantada.

Cory said...

Sana nga,.....sana nga!