Parang ito ang tema ng mga taong nais "magsilbi" sa pamahalaan
sa susunod na taon. Ang palaging tanong: Totoo kaya?
Hmmmm....Alam ko na alam ninyo ang kasagutan diyan.
AT...marami pa rin sa mga kababayan natin ang walang huwisyo
kapag pagpili ng tamang tao ang pinag-uusapan.
Yung iba kasi, maabutan lang ng dalawang latang sardinas,
isang kilong bigas at isang daang piso,
ibebenta na pati kanilang ina.
Tumalon, nagtago ang prinsipyo nila...
o sadyang wala nga.
Eto at eleksyon na naman.
Naglabasan ang sangkaterbang artista at
gusto ring matawag na "Kagalang-galang"
na Representante ng Kamara.
ILAN ang tunay na may malinis na hangarin sa kanila
ewan natin. Ang masa lalong nakakarindi, ang mga
POLITICAL DYNASTIES na mas lalong dumarami
at sobra nang garapal sa mata ng tao.
Sa mga lokal na pamahalaan, at sa mga siyudad...
kalapit lang ng Kamaynilaan,
nandiyan ang tatay, nanay,
bayaw, anak, pamangkin, kapatid
at kung sinu-sino pa!
Tatakbong alkalde si ama...
samantalang Gob si ina.
Andito si Kuya para meyor,
at si ditse sa representante.
Sa karatig-bayan, andiyan si bayaw....
samantalng si misis ang para sa bise.
Etcetera, etcetera, etcetera...
Ibig ba sabihin nito....
sila lamang ang may "malasakit" sa paninilbihan sa
mamamayan? O sila lamang ang matapang ang apog
[isabay pa ang kapal ng mukha!] na
tumakbo at nang masarili nila ang kapit sa puwesto?
Mag-isip-isip nga kayo!
Mahiya naman kayo.
Gising Juan!
At huwag maging batugan.
Silipin ang kalakaran
Huwag mong hayaang
manakaw na naman
Kaban ng Bayan
Lilimasin nila yan.
Buksan ang mata;
Makinig sa balita.
Ayusin ang pagpili
Para sa Bayang sinisinta.
*