Tuesday, December 01, 2009

Takot Sila





Aba't tatakbo pala talaga si aling glu.
Nasarapan yata nang husto sa puwesto.



Isa pa, takot sa kasong nakaabang sa kanya.
Sangdamakmak kasi ang ginawang sala, eh...
Ayan, sinusundan na ng mga gabing walang tulog
ang mga mandarambong.



Gaya na rin ng takot ni Ampatuan, Jr.
sa multo na umano'y naglipana sa NBI Detention Center,
kaya naman natutulog daw sa ibang lugar.



Takot sa multo?
Minumulto na ba ng mga kinatay niya nang nagdaang panahon?
Baka nga. Baka merong nasa likuran niya na nagsasalita:
"Akkkkooooo ang iyong konsiyensiya!....
Mmmmmmanigas ka!!!!"


Mahirap maging simple at matiwasay ang buhay kapag
marami kang naapakang tao.
Ayan, buhay pa, sinisingil na!



Eh si aling gluria kaya?
Hindi pa kuntento sa nakurakot?
Kanino siya takot?
Takot sa kaso?
At takot na baka ma-forfeit ng gobyernong Pilipinas
ang mga unexplained weath nila?



Bahala Ka Na Po, Lord
sa mga ganyang klaseng nilalang.
Hindi man sila abuting ng batas ng Bayan,
Harinawa'y abutin ng Batas Ng Kaitaas-taasan.


*