Tuesday, May 06, 2008

ANO RAW?

Headline sa isang diyaryo:

"MERALCO-SAKIM!"

Ano raw?
Helloooooowwwww)))))))

Muntik na akong mabulunan habang kumakain ng agahan.
The nerve! Hindi ko alam kung tatawa ako o maiinis!
At dahil ayaw kong magka-rinkols....susulat na lang ako
para maibulalas ang aking kalooban!
Hah-hah!

HINDI ako makapaniwala na sasabihin ng mga iskwater
sa Palasyo ang ganoong pananalita.

OO nga at super mahal ang kuryente sa Pinas,
mas mahal pa yata kaysa sa
karatig-bansa sa Asya.

ISA ako sa umaangal sa laki ng bill namin sa bahay ko sa Pinas.
Super as in super talaga, na kahit na wala naman halos taong
tumitigil doon eh, malaki pa rin, kumpara sa iba ang bill ko
kada buwan.

PERO naman.....

ANG paraan at dahilan ng Palasyo para untugin ang Meralco, eh
parang may mas malalim na kadahilanan.
Sana manalamin muna sa malinis na salamin si aling glue
at nang malaman niya kung may `K` nga siya
na magsalita nang ganun.
Ahe-he!

OO at sang-ayon ako na alisn na yang VAT-BAT na yan
para naman mabawasan ang bayarin ng taumbayan, pero
ayusin naman nang matino kung paano ito gagawin.

NARIYAN ang pagwawaldas ng salapi ng Bayan ng mga 'Ka{walang}galang-galang'
na mga Representante kuno ng Bayan.
Ilan lamang ang mga buwayang yan na patuloy na namamayagpag at
gumagastos ng dugo ng Bayan.
Tanungin mo si aling glue kung nasaan si mikey maus at
kung ilan ang kasama ng damuho....at kung gaano katagal sa ibang bansa..
Kung hindi ba naman kasakiman -to-da-max yan
...ewan ko na kung paano yan isalarawan. Malas sa buhay talaga ang mga yan!

ANO nga ba ang dapat gawin para matulungan ang Taumbayan sa panahon ng krisis?

AYUSIN ang patakaran at alisin ang mga salot.
Isa-isahin natin: si aling glue, at sampu ng mga alipores niya, asawa,
kabit at mga anak.
Tiyak makakatipid tayo at magiging matino ang
palakad-de-gobyerno.