Isang Linggo pagkatapos bumWisita
ni Milenyo: eto ang situwasyon sa Pinas::::
BILLBOARDS:
NOW
they are saying!
Kung hindi pa nanalasa si Milenyo,
hindi pa maiisip na yang naglalakihang billboards eh
delikado, lalo na yung giant billboards na nasa
ibabaw ng mga building sa EDSA.
Hirit pa ng mga Advertisers Association,
40 na bb lamang nag nawasak,
at mayroon silang 2000 mahigit sa
EDSA, sa Highways, at sa iba pang bahagi ng
Metropilis!
Ha?
40 LANG!?
Lang?!
Aba at talagang pasaway ang mga ganid!
Lang daw!
Yun mismong 'lang' na yun, may nabiktima:
may namatay, may natabunan ng mga nagliparang
billboards, at may mga sasakyang naipit
nang bumagsak ang mga ito!
Ang hirap kasi sa ating mga 'magagaling
[sa nakawan!] na mga opisyales,
kasama na ang mga bogus.....
eh kikilos at iisipin lamang nag mga bagay-bagay
kapag may nabiktima na.
Samantala, marami pang kalat!
****
Ni wala tayong
EMERGENCY PREPAREDNESS PROGRAM
na nakahanda para sa anumang sakuna:
lindol, baha, o anupaman.
Halatang naghihilahan at
wachinangga ang kilos nitong si pygmea!
Magaling lang sa litratuhan
at bunganga. Wala sa gawa!
Buset!
AASA lamang sa tulong ng ibang Bansa.
Mabuti kung ang mga tulong ay nakakarating sa
kinauukulan.
Natawa na lang ako sa ginawa ni US Ambassador K
sa US$100,000 na dineretso sa PNRC
[isa pa yang ahensiya na yan;
marami ring kurakot dyan na taga-loob!]!!!!
Sampal yun kay gloria na siya mismong tumatanggap sa
mga tulong nang nakalipas na panahon!
Ha-ha! Buti nga sa iyo!
Pero macapal ka naman, eh...
kaya mo yun....
****
KURYENTE!
KURYENTE!
Halos isang Linggo na ang nakalipas,
pero ang Meralco,
ang bagal ng serbisyo.
Sa singilan...
o sa putulan ng koneksyon,
mabilis pa yan sa alas kwatro!
Pag tinawagan mo:
tsk!
Maghintay ka!
Sumalosep!
Hanoba?
Wala nang ligo,
wala pa ring tubig.
Bakit?
Eh kapag walang kuryente,
walang gana ang mga pumps sa mga subdivisions....
Limitado rin ang supply ng
distilled waters sa lugar sa MetroSouth.
Wala rin silang kuryente eh!
*****
TELEPONO:
Nawalan ng koneksyon, kahit sa landline ng tatlong araw...
Mabuti na lang ant nagkaroon ng
koneksyon noong Linggo.
Natawagan ko ang kamag-anak ko.
1 comment:
UU mabaho na!
Nagkarron ulit ng kuryente sa amin
kahapon lang daw.....Problema, maulan, kaya hindi rin makapaglaba!
Dapat sa Malacanang walang ilaw!
Para hwag makita ang kapal ni gloria macapal!
Post a Comment