*
SA LOOB NG ISANG TAON,
ilang beses nga ba ”bumibisita" ang Bagyo sa Bayan natin?
Sampu? Labinlima?
Marahil, higit pa.
*
Maliban sa Bagyo, marami rin sa atin ang Bulkan
na kapag sumabog eh, tiyak na napakaraming
mahihirapang lumikas.
Sunog, lindol, o landslides, baha, atbp..
*
Ganun din naman dito kung saan ako
nakatira sa kasalukuyan.
Lalo na sa lugar namin!
Nalula ako nang nalaman ko kung gaano
kadalas ang lindol dito!
Sinasabi ng Meteorological Agency dito
na mahigit sa isangdaang beses kung maglindol dito.
OO nga at medyo hindi maramdaman kasi nga,
minor earthquakes lang.
Mga 2...minsan, 3 sa Richter Scale.
Meron ding panahon na nagigising ako
sa kalaliman ng gabi at maririnig
ang tunog ng lampara sa gitna ng kuwarto ko
na umuugoy, kahit na ang bahay namin ay
bungalow type.
Minsan, akala ko, nahihilo ako:
yun pala, may lindol.
Laging may daily updates sa telebisyon,
kaya alam namin kung ano ang situwasyon.
*
Hindi rin maikakaila na ang Mt. Fuji ay isang dormant volcano.
May mga oras na talagang tinatalakay sa telebisyon ang scenario
sakali mang sumabog ito.
Sa palagay ko, mawawala ang Shizuoka-ken
sa mapa kapag nagkaganoon.
Malapit din dito ang isang Geothermal Plant na siyang pinagkukunan
ng enerhiya sa lugar namin.
*
Matay kong isipin,
talagang maraming posibilidad na mangyari....
kaya naman, napagdesisyunan ko na,
na talagang babalik ako sa Pilipinas
pag dumating na ang tamang panahon.
*
Ang gobyerno dito ay talagang kumikilos:
- lahat ay tinuturuan na maghanda
sakali mang magkaroon ng kalamidad.
- Pinapayuhan ang lahat na maghanda.
Binigyan ang bawa't household ng isang BAG.
EMERGENCY BAG kung baga.
Nagbigay rin sila ng listahan ng
dapat ay laman ng bag na ito:
tubig, kendi, biskuwit,
pagkaing de-lata [tinapay, kanin, lugaw,
sardinas, prutas, at iba pa]
pangginaw, blanket, extrang damit,
aluminum sheets[para panlaban sa maginaw na taglamig],
plastic na pwedeng gawing instant toilet,
guwantes, flashlights, baterya, radyo,
at marami pang iba.
Kailangan ding dala-dala ang pansariling dokumento:
National Insurance, IDs at Cash Cards para
sakali man, may maipakitang pagkakailanlan.
*
Ang mahalaga ay makapaghanda ng pansariling pagkain at gamit
habang naghihintay ng tulong galing sa gobyerno.
*
May nabibili rin, nguni't ito ay medyo mahal.
Ang ginagawa ko ay bumibili paunti-unti ng mga kailangan.
Sana ganun din ang gawin ng bawa't Kababayan natin.
Halos kasing dami ng Bagyo sa loob ng isang taon
ang Bagyong meron sa Bayang ito.
Sa totoo nga, madalas akong biruin ni Jiji na
'binibisita ka ng Bagyo, galing sa Pilipinas'....
Kaya dapat marahil, maghanda ang bawa't isa.
*
IKAW ba, Kapatid....
Handa ka na ba?
****
**
*
**
*
No comments:
Post a Comment