Monday, September 04, 2006

SAD SONA[State of the Nation]

A funny way of presenting the sad state of affairs in the Phils.



Kung Pinoy si Noah....
Ganito ang mangyayari sa ARKO.

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah.
Nagpakita sakanya ang Diyos at sinabing

* "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isangmalaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't-ibang kapuluan."

Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah.

Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos,

"Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?"

Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo!
Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.
Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang
gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.
Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman
kung may matatanggap siyang 30% commission.

Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito aynag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko
(mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil biased daw na normal na
mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw
nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng
mga gambling lords at katas ng jueteng.

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid oflegislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero
dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumestigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko,
dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang
ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon
na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo
sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.

Nilapitan ni Noah si Mike Defensor na siyang GF [as in General Factotum kuno!...ahehe!]
para makipag-usap kay GMA. Payag daw na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa
ang malaking mukha ni arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic"."

Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ngarko.
Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto."
Ang huling wika ni Noah.

Napa-iling ang Diyos at sinabing,
"Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito.
Hayaan ko na lang kayong sumira nito. "

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ganun na lang ba?
Wala pa bang pag-asang makaahon ang Bansa
at malipol na ang mfga lagad ng legions of darkness?

Help!

Darna!

Kapten Barbel!

Nasan na kayo?

No comments: