Saturday, September 02, 2006

DISASTER DRILLS

Kahapon
nagkaroon ng
Disaster Drill sa buong Bansa.
Taon-taon, ganito ang ginagawa ng mga tao rito.
Kasabay nito ang anibersaryo ng tinatayang pinakamalaking
lindol sa Tokyo na tinawag na
The Great Kanto Earthquake
na naganap noong Setyembre 1, 1923.
Dahil dito, naisipan ng gobyerno ng Hapon
na gawing paalala ang
sinapit ng mga ninuno nila
at papaghandain ang taumbayan sa ganitong situwasyon.
Kaya nga
lahat ng tao kasali!
Pag sinabi kong lahat,
lahat!
[medyo nag-internet pa kasi ako,
kaya nahuli ng ilang minuto!]
***
May information sheet na ibinigay
kamakailan tungkol dito.
Divided ang bawa't lugar, gaya ng ating Barangay,
kaya lang mas kakaunti.
Parang 17-18 households ang sa amin.
May lider na siya ring taga-kolekta ng KUHI[monthly dues]
na siyang ginagamit sa mga proyekto,
paglilinis at pagmementena ng maliit na Templo
sa aming lugar.
Ang lider na ito ay pinapalitan kada isang taon.
***
Sa tunog ng sirena
[ang lahat ng lugar ay may communication tower
na nagpapahatid ng anunsiyo anumang oras;
naririnig ito sa lahat ng dako ng aming siyudad],
lahat ng tao ay lumabas at naglakad papunta
sa mga designated "evacuation centers."
Sa Prefecture Level, meron din sila, coordinated sa National Level
kung saan ang Prime Minister ang siyang namahala.
Masasabing mabilis at high-tech ang gadgets dito.
Siyempre naman, noh!
Japan pa!
***
What I admire is the dedication of all people:
volunteers or those in the Fire Brigade.
Sila mismo ang in-charge sa mga fire drills,
at sa lahat halo ng evacuation procedures.
ALL of them were there, identified with their uniforms.
Helicopters, ambulances,
everything!
Including doctors who came and
made the activity a success.
***
Ang misyon ng bawa't Drill na ganito eh,
para malaman kung gaano kabilis makakaresponde ang
mga awtoridad sa anumang kalamidad,
kung sakaling magkaroon.
Alam natin na ang Japan ay nasa
linya ng Philippine plate
at karaniwan na rito ang Lindol.
Halos araw-araw ay merong Lindol dito,
lalo na sa lugar kung saan ako nakatira.
Kaya dapat lamang na
Laging Handa
sa anuman.
Bawa' t bahay ay meron ding handang tubig, pagkain na de-lata,
flashlight,
radyo, pangginaw, blanket,
damit na naka maleta
para sa anumang
hindi inaasahang pangyayari.
Ito ay karaniwang nasa may pinto ng bahay,
para mabilis na makukuha sa paglikas.
******
*

No comments: