"Guilty conscience needs no accuser."
That is what I have been told, in my youth by parents
who made realize at a young age how to live a clean life.
Guilty as guilty can be,
gloria ang her minions seem to be
to the eyes of the Filipino as well as to the eyes of the world.
Halos lahat na lang yata ng kababuyan,
ginawa nitong pamamalakad ng rehimeng gloria.
At magaling umiwas, ha?
Mula pa nang mabuking
at mabulgar ang kanilang
krimen at misteryo sa eleksyon....
[remember, "yung dagdag, yung dagdag!"]
naging palakad na yata ni arrovo na
umiwas to the umpfth degree ang
nakaupo sa may Pasig.
Nagkagulo sa Lebanon
[isip ko lang, paraan din kaya ng Maykapal na
magkaganito para mabulgar yung
madyik na nangyari sa
OWWA Fund?
Pwede, di ba?]
at nabulgar ang OWWA Fund.
BAWAL, sabi ng direktiba,
na magsalita, um-attend sa anumang imbitasyon ng Senado at
Kongreso ang mga tao niya
nang wala siyang pahintulot.
Ito marahil ay para makaiwas na madagdagan pa
ang baho at flak na nalantad na.
Baka nga naman may masabi ang
mga tauhan niya,
eh lalo pang malubog sa lusak ang mga ito.
Eh sa totoo lang naman, lubog na talaga eh!
Ang pinagtataka ko lang, bakit.....
BAKIT
tila OK lang sa mga taumbayan,
lalo na itong mga nasa Lehislatura na
bastusin sila ng taga-Malakanyang,
samantalang may desisyon na ang Supreme Court na
bawal ang EO ni gloria na
nag-iipit sa mga taong kumkalaban sa kanya?
Wala na bang patriot
o makabayang natitira sa Pilipinas?
Hanggang kailan tayo magtitiis?
Hanggang buhay si gloria?
Sino ang kikilos
kung hindi ang bawa't isa sa mga Filipino?
Kailan?
Sino?
Paano?
*
No comments:
Post a Comment