May hihigit pa kaya
sa pagkaganid?
Sa pagsupil at sa pagpatay ng
mga kalaban?
Wala,
wala na nga,
wala!
Ang ganid, kailanman
hindi maiibsan
ang kanyang paghahanap ng makukupitan;
Saan man tumingin,
saan man dumako,
tiyak ang hanap ng mata
perang kailangang maitago!
Sobrang suwapang,
di na maawat...
pati na ang anak,
sampu ng knyang mga asawa!
Di naman maganda
pero sobrang taray!
Kung kumilos ay "Donya"
Di naman bagay!
Sari-saring istorya
kumalat sa madla:
Kung meron si mister,
aba'y patatalo ba si misis?
Hanggang kailan ka
hahawak sa puwesto, ha, gloria?
Pati ngiti mo,
salaula na!
Masyadong peke,
masyadong mataray
Ang sarili lamang ang kumakain,
ang taumbaya'y naghihirap pa rin!
TAMA NA!
SOBRA NA!
SOBRA NA!
*
BASTA YA!
*
ALIS D'YAN!
No comments:
Post a Comment