ANO BA talaga?
UNA, sinuspinde [for the second time!] si Mayor Jejomar Binay ng DILG dahil daw sa napakaraming kaso na isinampa ng kalaban niya sa pulitika sa Makati.
Ngayon lumabas naman ang utos na ipagpaliban muna ang suspension makalipas ang election period!
Nagbago ng desisyon.
Atras-abante!
Baka natauhan ang mga galamay.O yung may pakana ng lahat ng nangyayari sa rehimeng srroyo?
Sa pagkakaalam ko, bawal ang suspension sa panahon ng eleksyon. Bawal ding maglipatng puwesto, o kaya'y mag-hire ng bagong kawani sa gobyerno.
Dapat alam ng mga taga-DILG yan.
Nguni't tila walang kaalam-alam sa Batas ang mga Gunggung na nasa Gabinete ni glue. Yung unconfirmed 'Justice' Sec na lang, eh....palaging ginagawang circus ang Batas, eh...yun pa kayang nasa DILG?
Baka naman itong si Puno eh, "iba" ang pinagkakaabalahan kaya ganun at huli na ang kanyang desisyon sa bagay na dapat ay una pa lamang napagtuunan na ng kanyang opisina.
O baka nagbago na naman ang takbo ng utak ng manipulador ng gobyerno? Hindi maikakaila na ilang ulit nang atras-abante ang kalakaran sa rehimeng ito!
Ehem! Pakiayos naman ang mga kilos, nang walang mabuking, mga Ginoo!
AYAW ng Pinoy ng ganyang walang isang salita.
Kayo rin!
4 comments:
Ang tawag ko diyan, katarantaduhan. Kung suspended, suspended. The DILG cannot defer the suspension as it is not higher than the Ombudsman.
What the Ombudsman should address are:
1. Joc-joc Bolante
2. Misuse of the Marcos wealth
3. North Rail project overpricing
4. Macapagal Ave. overpricing
5. Illegal Quarrying of the Lapids
6. Atienza's sale of the Abad Santos Public school
7. GSIS anomaly
and many more.
Marami palang suicide bomber si d'glue:
1. ombudsgirl cheding
2. punongbalete sa DILG
3. kumilik hambalos
sino pa? si assperon?
Matindi talaga, JOEL.
Hindi nila nakikita ang dapat eh makita. Kaya nagagalit ang Bayan, eh.
Hindi nila nakikita ang uling sa mukha nila, nguni't ang muta ng iba, nasisilip!
Eagle Wild,
Dagdag pa si PALPAKran....
tumatakbo sa party-list.
Anak ng buwayang masungit!
Buong Bayan tuloy, nag-ngingitngit
Post a Comment