Saturday, January 28, 2006

DIGITS, DIGITS!!!!...Part Two*

In order to exist in this world,
most Pinoys [and some others...for that matter!] say: we need CASH!...


Bakit nga ba... balik na naman sa PERA ang usapan ng taokapag nag-uusap?
Pera raw kasi ang problema para maka-andar ka sa panahon ngayon!
Ganundin marahil ang problema ng mga Trainees na nanggaling sa Pilipinas
at nagtratrabaho sa bansang ito.
Kahapon, nagkaroon ng isang balitang nakatutuwa dahil sa aksyong ginawa ng mga namamahala sa Planta.
>>>NAIS nilang tulungang mabayaran ng mga Pinay ang kani-kanilang mga nautang
BAGO pa sila makarating at magtrabaho sa bansang ito!
Ginamit daw nila ang pera sa pamasahe papuntang Maynila,at sa iba pang mga papeles na ipinaayos nila para lamang ma-aprubahan ang mga ito.
Sa apat na nakipag-dayalogo, ang pinkamalaki ay dun sa lider na may utang na 100,000.00PP! Ang pinakamaliit ay 30,000.00PP. Yung dalawa pa ay may 35,000.00PP at 50,000.00PP raw!
Kung bakit umabot sa ganitong halaga, eh hindi ko maunawaan,
pero ang umabot ng 100,000.00PP ay may credit cards daw na nagamit!
Mabuti na lang at handang tumulong ang nasa pamunuan
at handang ibigay muna ang halaga sa kanila hanggang sa mabayaran nila lahat ang kani-kanilangmga pagkakautang.
Gagawin ito para mapalis na sa isipan at puso ng mga Trainees ang mga kadahilanang bumabagabag sa kanilang mga puso nang sa gayon, makapagtrabaho sila nang maayos habang malayo sa kanilang mga pamilya.
Buti na lang at may ganitong Kompanyang nakikinig sa mga hinaing ng kanilang empleyado!
Paano na lang yung iba?
******

No comments: